Chapter Six

25K 1K 407
                                    

Chapter Six

"I don't do the good I want to do; instead I do the evil that I do not want to do."

-Romans 7:19

***

Year 1979

MY WEDDING with Aya was small and private. Kasama lamang ang mga magulang at mga kapatid niya bilang witness sa pag-iisang dibdib namin.

She does not want any grand wedding. Kahit noon ay naikuwento niya sa'king pangarap niya iyon. Gusto niya ding maikasal sa simbahan.

At handa naman akong ibigay iyon. Ngunit siya mismo ang tumanggi.

Despite her agreement to marry me, she remained distant and cold.

She just turned eighteen. There was no more burden that she was a minor. And I am ready to give our love another chance.

Nagkamali man akong saktan siya noon sa pamamagitan ni Bridgette, nagkamali man akong magalit at gumanti sa kasinungalingan niya sa'kin, handa akong manghingi ng tawad—lumuhod kung kinakailangan, upang makapagsimula kami ulit.

But the courage died down by her coldness. Sa tuwing titignan ko ang mga mata ni Aya, nakikita ko kung paano ako tignan ni Norah—full of disgust.

"Ito ang magiging silid mo," sabi ko nang pagkatapos naming ikasal sa opisina ng alkalde ay inuwi ko na silang mag-ina ko.

She's carrying our two-month old son in her arms. Pumasok siya doon at inikot ang paningin sa buong silid.

She requested to have a different room from mine. Nagtalo pa kami dahil bakit niya kailangang humiwalay ng silid sa akin kung mag-asawa naman kami?

She said she's going to enroll next semester to continue her college education. She needs privacy while studying. Ayaw niya ng ibang abala habang nag-aaral.

Hindi na lamang ako nakipatalo pa. There's no sense forcing someone to something they don't like.

"Magpapahinga na kami ni Bari. Puwede mo na kaming iwan."

She keeps calling our son that weird nickname. Saan niya ba nakuha iyon?

Imbes na umalis ay pumasok din ako ng silid. Umupo ako sa gilid ng malaking kama niya. I hired three house helpers and a nanny for our son. Magaling ang pagkakalinis nila sa buong silid. It's perfectly cleaned and disinfected for a new-born.

"Sabi ko, puwede mo na kaming iwan," ulit niya sa mas mariing tono.

"I thought honeymoon comes next after a wedding?" I smirked as I looked at her.

She rolled her eyes. "Nauna na ang honeymoon. Kita mo nga," sabay angat niya sa natutulog naming anak. "Nauna pa ang anak!"

I bit my lip as I grinned wider. Her sarcasm is something admirable and I don't know why. Noong maayos pa kaming dalawa, sanay ako sa isang malambing at may kaunting kulit na Ysabella.

But when everything became very messy, I saw another side of her that is a total opposite of what I was used to.

Any other way, I still find myself completely and immensely in love with her.

"Lumabas ka na, Santino," she said coldly. "Ayaw kita dito."

My face straightened. Keeping the pain hidden, I stood up and tried to caress Ibarra's tiny and soft head.

Ngunit bago ko pa mahawakan ang anak ko ay iniwas na ito ni Ysabella mula sa akin.

I looked at her eyes. Hatred and disgust.

Belle Ame: A Beautiful Soul (DS Auxiliary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon