Chapter One

43K 1.3K 629
                                    


Note: Read "A Prequel: Beauty and Wonder" first before proceeding to this chapter. You can find it in my profile. Thank you.

***

Chapter One

"We know that the Law is spiritual; but I am unspiritual, sold as slave to sin."

- Romans 7:14

***

Year 1978.

I HATE those who lie to me.

Batid kong sa ginagalawan kong mundo, upang mamayagpag sa larangan ng pangangalakal ay kailangan kong itago ang ilang bagay o katotohanan na haharang sa pagtatagumpay nito.

But you see, I'm not lying. Rather I'm just omitting truths. Sa isang usapan, hindi ko "itinatago" ang totoo, ngunit "inililiko" ko lamang ang usapan para malayo sa katotohanan.

I answer in general, never going to the specifics unless I am asked to.

A grin or silence is my response when I was not able to succeed in omitting the truths. Although, if they want the truth, I will ruthlessly give them the harsh truth.

Kung hindi ako nakakapagsara ng magandang deal sa isang tanyag na negosyante, ay nandyan naman lagi ang kamag-anak na babae—kapatid, anak, pinsan—kung sinong malapit.

Charming them, dating them, kissing them, or even taking them to bed is an advantage.

Wala namang mawawala sa'kin.

At sila? Alam naman nila kung para saan lang ang ginagawa ko. Hindi rin ako nagsisinungaling kung hanggang ano lang ang kailangan ko sa kanila.

Iyon ang ginagawa ko, kung wala ng ibang paraan.

I don't do that a lot, though. Doing dirty tactics in business is just an easy way. Naniniwala pa rin ako na upang umunlad ang negosyo ay kailangang dumadaan sa tamang proseso.

Tama at mali. I should know how to mix both.

Kailangan kong gawin lahat.

Kahit kaluluwa ko pa ang maging kapalit nito.

As I was saying, ayoko sa taong sinungaling, iyong kaya akong paikutin at lokohin.

Dahil sa oras na malaman ko ang katotohanan, matindi at mabigat na kaparusahan ang ibibigay ko. Walang hanggang pagpapahirap, habambuhay na walang kapatawaran. Ano pang maging rason nila, ang kasingulingan ay kasinungalingan.

Kaya kong gawin ang lahat ng iyon. With money and power, I'm invincible.

Limang taon na nang mamatay si Papa at mula noon ay ako na ang naghawak ng lahat ng kompanya ng Delos Santos. I was just nineteen and I learned that if I don't be shrewd enough, greedier businesses would swallow me.

Mula noon, wala na kong alam gawin kundi ang magtrabaho. I have to work double time or older businessmen would look down at me because I'm the youngest in the pack of wolves.

There were women on the side—I work hard, yet I fuck and play harder. I don't commit, though.

Kahit pa kay Bridgette na matagal ko na ring kinalasan, at ang relasyon namin ngayon ay pampisikal na lang. Kahit noon pa man ay pampisikal lang naman talaga.

Belle Ame: A Beautiful Soul (DS Auxiliary)Where stories live. Discover now