Prologue

61.7K 1.6K 389
                                    

PROLOGUE

SAVE me. Please...

Save me...

Nanginginig na itiniklop ko ang mga binti ko, niyakap ang mga iyon. Para kahit papaano ay maibsan ang ginaw na nadarama ko.

Sa munting bintana ng garahe ay natanaw ko ang pagguhit ng kidlat sa itim na langit.

Ang sumunod na kulog ay tila isang napakalakas na kalabog—mula sa langit padabog sa lupa.

Napapikit ako ng mariin. Pilit akong nagsumiksik sa pinakadulong parte ng madilim na garahe.

Papa, please. Get me out of here.

Napapitlag ako nang muling umalingawngaw ang nanggagalaiting kulog, kasunod ay ang mabigat na pagbagsak ng ulan.

Dinig ko ang hanging tila iyak ng isang naghihirap na babae ang tunog.

I gritted my teeth, covered my ears with my two hands, and held back my tears.

Kagaya ng tunog ng hangin ang palahaw na iyak ni Mama...

"Sancho! Sancho, bitiwan mo 'ko! Bitiwan mo 'ko!"

Nagtago ako sa ilalim ng hagdan. My eyes widened, and fear easily crept inside me when I saw my father dragging my mother's long black hair...

"Hindi pa ba ako sapat?!" sigaw ni Papa. Sa kabila ng nanginginig na boses ay tila kulog iyong umalingawngaw sa buong mansyon. "Tell me, Norah! Am I not enough that you have to cheat on me?! Isa kang puta!"

Napatili si Mama, pagkuwa'y napasubsob sa sahig dahil sa malakas na sampal ni Papa.

"I loved you so much, I gave you everything! At ito ang ipapalit mo sa'kin?"

Muli ay buong puwersang hinablot ni Papa ang buhok ni Mama.

Nagpumiglas si Mama at pilit tinatanggal ang pagsabunot ni Papa sa kanya.

"Isa kang demonyo, Sancho! Demonyo! Alam mo ang katotohanan na kaya lamang ako nagpakasal sa'yo dahil..." Humagulgol ng iyak si Mama. "Kundi dahil kay Santino, hindi ako magtititiis sa'yong demonyo ka! Demonyo!"

My mother spit in my father's face.

Mas siniksik ko ang sarili ko sa likod ng hagdanan. Pumikit ako nang sumigaw si Mama dahil sa pagsikmura ni Papa sa kanya.

I held back my tears. Hindi ako iiyak... hindi ako puwede umiyak. Maririnig nila ako...

I will get beaten...

"Hayop! Demonyo!" hagulgol ni Mama sa nahihirapang tinig habang sapo ang nasaktang tiyan. "Kung wala kang pera at kapangyarihan, wala ka lang kuwenta, Sancho!"

"Mahal kita, Norah!" I heard my father cried.

"At sagad sa buto ang pagkamuhi ko sa'yo! Kinamumuhian kita ng labis labis, Sancho Delos Santos! Hindi ka marunong magmahal! Hindi kahit kailan! L-Lumayo ka s-sa'kin! L-Lumayo ka!"

Napaupo ako sa malamig na sahig ng sa muling pagdilat ko ay buong puwersang sinira ni Papa ang damit ni Mama.

My mother cried for help. Ngunit takot ang mga katulong at mga tauhan na mangialam. Katulad ko ay nagtatago rin sila upang hindi mapagbagsakan ng kamay ni Papa...

Kahit siyam na taong gulang pa lamang ako, mulat ako sa kung anong gustong gawin ni Papa. Huminga ako ng malalim at mabilis na lumabas sa pinagtataguan ko.

Belle Ame: A Beautiful Soul (DS Auxiliary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon