Chapter 5

371 12 0
                                    

Hindi ko alam kung paano pa ako nakaabot sa hotel room pagkatapos ng isang buong araw na pamamasyal sa Ubud. Halos itapon ko na ang sarili ko sa kama dahil sa sobrang pagod.

Pinauna na ako ni Yvo sa pag-akyat dahil kinausap pa niya si Kuya Ismaya. Sa tingin ko ay kinokontrata na niya ito para bukas. Balak kasi naming mag-elephant ride.

Pumikit ako at dinama ang lambot ng kama. Hindi ko kasi masyadong naramdaman ito kagabi dahil tulog na tulog na ako pagkahiga ko pa lang dahil sa kalasingan.

Hindi ko mapigilang hindi isipin ang sinabi ni Yvo pagkatapos naming mananghalian.

Do we really need to be with someone to move on? Wouldn't that be called a rebound?

Pero kapag iniisip ko kung bakit ganoon ang nasabi niya ay halos gusto ko nang murahin ang sarili ko. He's not thinking the same thing as me, right? That can't happen.

Umupo ako sa gitna ng kama at kinuha ang phone ko sa bag. Agad kong binuksan ang cellular data at naghintay na matapos ang pagdating ng lahat ng mga notification bago nagsimulang magbasa ng mga mensahe.

Halos lahat ng notification ko ay galing sa Instagram. Siguro ay dahil sa picture ni Yvo kasama ang unggoy. Marami sa mga mensahe ay nagtatanong kung sino iyon. May mga nagtatanong kung wala na ba kami ni Anton.

Well, wala na kami. Pero hindi ko sila sinagot sa mga tinatanong nila.

Nang makita kong may direct message ni Brenna ay iyon lang ang binuksan ko.

@brennaaguirre: Who's that pokemon?!

Mabilis akong nagtipa ng reply pero bigla na lamang siyang tumawag sa akin sa Instagram.

Sinagot ko iyon at itinapat ang cellphone ko sa mukha ko.

Bumungad sa akin ang ayos na ayos na mukha ng aking pinsan. Mukhang pupunta na naman ito sa isang party. Mahilig kasi itong mag-party-all-night.

"Oh, my gosh, Avery! Sino iyon?" kinikilig na tanong niya sa akin.

Tumikhim ako. "Yvo dela Costa," sagot ko.

Nanlaki ang mga mata niya. "Are you serious?! The Yvo dela Costa? Ang COO ng DLC Industries?" hindi makapaniwala niyang tanong sa akin.

Kumunot ang noo ko. So, he's a COO? I didn't know that. Pero kaya pala medyo pamilyar ang pangalan niya noong una ko iyong marinig. COO pala siya ng isa sa mga pinakamalaking real estate at construction company.

Brenna looked at me in horror when she saw that I had no clue who Yvo dela Costa was. "Don't tell me you didn't know who he was?"

I rolled my eyes. I am not interested in business so I don't really know the famous people in that field. And it's not like it's a sin that I didn't know him.

"Goodness, Avery! Paano kayo nagkakilala? Saan ka niya nakita? Kasama mo ba siyang pumunta riyan sa Bali? Sa Bali na ba kayo nagkita? Ano?"

Halos sumakit ang ulo ko sa dami ng tanong ni Brenna sa akin pero wala rin akong nagawa dahil ikinuwento ko rin ang lahat sa kanya simula doon sa parteng wala na kami ni Anton.

"Ang gago ni Anton! Nanggigigil ako," asik niya sa akin. "Naku, 'pag nakita ko siya mamaya sa party ni Dionne, kukumprontahin ko talaga siya!"

Umirap ako sa kanya. "Hindi na kailangan, Brens," sabi ko. "Nasaktan ko na silang dalawa ni Marcela."

Matalim akong tiningnan ni Brenna. "Kulang pa iyon! Niloko ka nila, Avery! Physical pain is not enough," pagalit na sabi niya sa akin.

I pursed my lips in a thin line. "Okay na. He said he doesn't love me anymore. Wala nang magagawa ang kahit anong paliwanag doon."

Never in a HasteWhere stories live. Discover now