Chapter 3

440 11 0
                                    

Iba talaga ang mga lugar kapag nakita mo na sa personal. Kakatapos lang naming bumaba sa taxi at ngayon ay nakaharap sa akin ang Viceroy Bali.

Alam ko nang maganda ang hotel na ito. Nabasa ko at napanood ko na rin sa mga vlogs sa Youtube. Pero hindi ko naman inaakalang ganito ito kaganda sa personal.

Kaya pala kahit pa halos nasa labas ng kabihasnan ay dinadayo ito dahil sa kagandahan at katahimikan nito.

"Let's go." Lingon sa akin ni Yvo nang mapansing hindi pa ako gumagalaw sa kinatatayuan.

Umiling ako at kinuha ang camera na nakasabit sa leeg ko. Kumuha ako ng iba't ibang litrato mula sa iba't ibang magagandang anggulo. Sumunod naman sa akin si Yvo.

Tiningnan ko siya ng masama.

"What?" inosente niyang tanong.

Ngumiwi lang ako. "Punta ka roon! Kasama ka sa picture!" giit ko at itinulak siya papunta sa entrance ng hotel.

Busangot ang mukha niya kaya naman natatawa ako habang kinukuhanan siya ng litrato. Pero guwapo pa rin. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ayaw sa kanya noong ex niya.

Pero naisip ko ring baka mas guwapo pa ang kuya niya o kaya ay mas mabait kaya siya ang gusto noong babae.

Dali-dali kong ipinakita sa kanya ang mga nakuhanan kong litrato at halos murahin niya ako dahil sa ganda ng kuha ko. Natatawa na lang ako habang busangot pa rin siya nang pumasok na kami sa hotel.

Agad naman kaming sinalubong nga tatlong staff bago kami iginiya sa reception. Tinanong lamang ng babae ang pangalan ni Yvo bago sinabing ready na ang Viceroy Villa.

Kumunot ang noo ko. Viceroy Villa? Iyon ang kinuha niya? Nilingon ko siya at kumunot din ang noo niya sa akin. "What?" tanong niya.

"Isn't that like the presidential suite of the whole hotel?" mariin kong bulong.

Diyos ko! Sobrang dami nang gastos ng lalaking ito.

Ngumiwi siya. "I don't want to stay in an average room, Avery," sagot niya. "At isa pa, I also need to relax. I can't relax if I don't have the best room."

Nagkibit-balikat na lang ako at tumango. Sabagay, siya naman ang may gastos. Mukha namang hindi nauubos ang pera niya kaya hinayaan ko na lang siya.

"We are here, Sir, Ma'am," sabi ng bellboy at saka binuksan ang pintuan para sa amin.

Nalaglag ang panga ko nang nakita ko ang kabuuan ng kwarto. Halos hindi ko maigalaw ang mga paa ko para makapasok sa loob. I've been to a lot of hotels but none of them gave off this kind of ambience.

Anyone who would come inside would literally feel the need to relax. Kahit ayaw mong magrelax ay mapaparelax ka talaga.

Ibinaba ni Yvo ang backpack niya sa kulay cream na couch. Ako naman ay lumabas sa veranda. May pool doon at may mga sun loungers. Para akong nahahalinang maligo sa pool. Sabi ng staff ay may heater raw ang pool na ito.

Mula sa veranda ay tanaw ko rin ang bundok ng Ubud. Ayon sa nabasa ko ay mayroon ring mga rice terraces rito. I wonder if we could visit them all with just four days.

Kung sabagay, puwede naman akong bumalik dito kapag hindi ko napasyalan ang lahat.

"Avery," tawag sa akin ni Yvo.

Nilingon ko siya at nakita siya sa pintuan ng isa sa mga kwarto.

"I'll take this room. You take the other one," aniya.

Tumango ako at pinanood siyang pumasok sa kwartong napili niya.

Ilang minuto pa akong napanganga sa ganda ng paligid bago ko naramdamang kailangan ko na palang maligo.

Never in a HasteWhere stories live. Discover now