Chapter 2

445 9 0
                                    

"Ilang damit ba ang bibilhin mo?" naiiritang tanong ni Yvo dahil mag-iisang oras na yata kami sa mga stores dito sa loob ng airport ng Bali pero isa pa lang ang nahahanap kong damit.

Nilingon ko siya at nginiwian. "I'm a girl. Matagal kami magshopping. Deal with it," sagot ko habang tinitingnan ang isang sundress.

Kinuha ko iyon at dinampot pa ang isa pang skater dress bago pumunta sa fitting room.

Mula sa loob ay rinig ko ang buntong hininga ni Yvo. Napailing na lang ako.

Tapos na kasi siyang mamili. Ang alam ko ay anim na pares na ang nakuha niya. Nakabili na rin siya ng undies niya at iba pang toiletries. He did all that in a span of thirty minutes.

How did he do that? Ni hindi man lang sinukat ang mga damit na iyon kung babagay ba sa kanya!

Nagtanggal ako ng damit para maisuot ang sundress. Kulay yellow iyon at sobrang cute tingnan kaya napili ko. Tumalikod ako para icheck kung maayos ba iyon sa likod ko at nang makita kong okay naman, hinubad ko na.

Isang dress pa lang ang napipili ko bago ito. Hindi pa rin ako nakakahanap ng toiletries and under garments. Paniguradong mas matatagalan kami roon.

Isang oras pa ang lumipas bago ako nakuntento sa mga damit at sandals na nabili ko. Habang hindi pa ako natatapos ay nakabili na si Yvo ng tig-isa kaming backpack.

Naglalakad na kami palabas sa airport nang nilingon ko si Yvo.

"What?" he asked as he was typing something on his phone.

I grinned. "I'm hungry," I pouted and held onto my growling stomach.

He narrowed his eyes at me. "You binged at the plane, Avery. Now, you're telling me that you're hungry again?"

Matalim ko siyang tiningnan. "Ang judgmental mo, Yvo! Hindi ba puwedeng nakakapagod kasi maghanap ng damit kaya digested ko na lahat ng kinain ko sa NAIA at sa eroplano?"

Nakakainis. Palibhasa hindi palagutom ito, e.

He looked at me in disbelief before shaking his head. He looked around and then pointed at a pizza parlor. "You eat Italian?" he asked.

I nodded enthusiastically and almost ran towards the pizza parlor. He was just shaking his head as he was following me.

I was greeted by a staff when we entered the pizza parlor. Kinuha ko kaagad ang menu at halos maglaway sa mga itsura ng pagkain doon. Umupo naman si Yvo sa harap ko at kinuha ang phone.

I raised my brow at him. "You should look for what you're going to order now," I told him because he was busy on his phone.

He nodded. "Yeah, I just have to cancel all my meetings today and tomorrow," he said while typing something on the phone.

Tumango na lang ako. Businessman ata ito, e. It's not surprising, though. He looks like a rich businessman, except for his rugged look. I didn't ponder on his business anymore and just minded my growling stomach.

I ordered two different kinds of pizzas, a platter of fettuccini and Alfredo pasta. Kumuha na rin ako ng bottomless na iced tea. Pansin ko kasi parang gusto ni Yvo ng iced tea.

"I already ordered for you," sabi ko sa kanya ng parang nagtataka siya kung bakit umalis na ang waiter.

"Do you even know what I want?" he asked as he placed his phone back to his pocket.

I grinned. "No, but who doesn't like Italian foods, right?"

He smirked and then looked out the window. Kita mula rito ang mga taxi sa labas ng airport pati na rin iyong mga bakasyunistang nakikipagtawaran sa mga drivers.

Never in a HasteWhere stories live. Discover now