Chapter 15-Bring Back Memories

16 1 0
                                    

Areez POV

It's been a week since na marelease ako sa hospital, i feel so recharged and reborn again. Medyo okay na rin ang braso ko at feel ko na makipagbasag ulo. Pero joke lang yun.

Pinaalis ko na rin si lolo dahil na uumay na ako sa pagmumukha niya. Secret lang natin yun. Almost one week din niya akong binantayan at daig pa ang bata sa kakulitan. Sinabi ko na okay ako at wala ng dapat pang ipag alala. Pero alam ko na di siya kumbinsido, sakto naman at dumating na ang kanyang secretarya at may urgent meeting daw silang dapat talakayin. Kaya wala na siyang nagawa kaya umalis na siya at marami na namang habilin sa akin.


Nilibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng aking sala halos na puno na ito na iba't ibang klase ng bulaklak. Everyday may nagpapadala ng bouquet minsan naka basket na bulaklak, hindi lang isa kundi anim kada araw. Niisa ay wala akong binasang card kung kanino galing ang mga ito. Naiirita ako dahil pinuno ng lintik na to ang bahay ko.


Speaking of bulaklak, nandito na naman itong delivery boy. Ilang beses ko na siyang nabatukan dahil ang sabi ko itapon na niya ang mga dinadala niya rito. Lintik rin tong mga bodyguard ni lolo pinapasok din nila. Malalagot talaga kayo sakin.


Nagmadaling lumapit ang delivery boy sa akin, pinanlisikan ko naman siya ng mata. Babatukan ko na sana siya ng iabot niya agad sakin ang isang naka vase na bulaklak at napatitig ako rito. Nalanghap ko agad ang amoy ng bulaklak.

Ang bango.


"Jasmine" tanging na sambit ko.


Di ko namalayan ay tinanggap ko ang bulaklak "Bye Maam, bukas ulit"  dali dali namang kumaripas ng takbo ang delivery boy. Hayop di ko nabatukan ang kumag na yun. Nakita ko pang naki pag apir sa guard ang kumag.


Tiningnan ko muli ang bulaklak at inamoy ito ang bango. Well sa lahat ng bulaklak ito ang favorite ko. Naka tsamba ata ang nagbigay nito o baka naman galing lang ito kay lolo. I shrugged. May card na naka ipit pero di ko pinansin. Nilibot ko ang tingin sa paligid wala na akong mapaglagyan. Hayy, ipapatapon ko na tong ibang bulaklak basura lang to sa bahay ko.


Kaya na isipan kung dalhin sa veranda ng kwarto ko ang hawak kung bulaklak. Buti na lang at naka vase na siya ilalagay ko na lang sa centertable. Napangiti ako ng may ma alala.


Napahawak ako sa railings ng balcon at nilanghap ang sariwang hangin kasabay nito ang halimuyak ng bulaklak.

Napatingin agad ako sa labas ng gate ng may namataan akong kotse na naka park sa labas. Familiar ang kotse. Teka kay lored yan diba? Takang tanong ko sa sarili ko.


Hayop si lored nga. Ano namang ginagawa ng lokong to dito. Nakasandal siya ngayon sa kotse niya suot ang uniporme ng school, naka crossed arms at legs with shades pa. Mukhang napansin na niya ako kaya napangiti siya at tumayo ng matuwid.


Ano na naman ang nakain ng hayop na to at iba ang timpla.? Di ako sanay nakangiti siya. Mukha siyang asong ulol.


Nag crossed arm ako at pinag taasan ng kilay. Alam kung may balak ang taong to, di ka uubra sakin lored. Sumenyas siya kung pwede siyang pumasok. Dahil nakaharang sa kanya ang mga bodyguard ni lolo.


Sinabi kung NO. Kahit di niya marinig alam kung gets niya yun. Sumenyas siya na parang nagmamakaawa. May something talaga sa kanya ngayon. May parang saltik? Di ata to si lored di kasi nagsusungit.


Nagkunwari ako na parang nag iisip. Sabay nag bleehh at umalis ng veranda. Narinig ko pa siyang sumigaw pero di ko na narinig.


Naligo na ako at nagprepare papuntang school. Ilang days na akong absent pero kahit ganun di naman ako behind sa mga lessons alam niyo na lakas connection. Pinapadala lang sakin ang mga print out whatsoever.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Accidentally In Love with the MonsterWhere stories live. Discover now