Chapter 10-Lored Shaun Stane

90 5 1
                                    

Chapter 10

Lored POV

.."Pwede ka ng umuwi at magpahinga. Gumawa na ako ng excuse slip para pwede kang lumabas ng school." Paliwanag ng doctor.

Tumango na lamang siya at inalalayan ni miss marielle na napag alaman kung yaya niya pala.

Hindi ko naman sinadya na marinig ang lahat ng usapan nila. Nagkataon lang na nakatulog ako at nagising sa ingay nila.

Siya pala ang nag iisang apo ni Chairman Thomas. Balita na ito sa lahat na ang apo niya ang magmamana ng lahat ng ari arian ng mga thomas. Itinago ni chairman ang katauhan ng apo para sa siguridad. Kaya pala thomas ang family name  niya dahil isa pala siyang heredera.

Interesting! I think magagamit ko ang nalalaman ko in the future. Nabaling ang atensyon ko ng magbangayan ang dalawa.

.."mam areez, ihahatid ko na po kayo! Hindi niyo po kayang magmaneho sa lagay mong yan. Baka kung mapano ka!" Alalang sabi ni miss marielle. Sa totoo lang di ako sanay sa mga kinikilos at pagsasalita ni miss marielle kasi sobrang sungit at strikto nito sa klase.

.."ok lang ako! Kaya kung umuwi mag isa! Kaya kung magmaneho ng isang kamay lang ang gamit!" Sabay kuha ng bag niya.

Kita ko na napangiwi siya dahil siguro sa sakit. Kaya nilapitan ko siya at sapilitang kinuha ang gamit niya.

.."ako ng maghahatid sayo!" Pautos na sabi ko sa kanya.

.."kaya ko na! Ibalik mo na ang gamit ko!" Inis na sabi niya. Ang tigas pala ng ulo ng babaeng to.

.."gusto mo bang baliin ko ang braso mo? Sabihin mo lang at di ako magdadalawang isip na balian ka!" Panakot ko sa kanya pero syempre di ko naman gagawin yun. Mukhang umubra naman at masungit na lumabas ng clinic.

Ngumiti naman si miss marielle sakin kaya tinanguan ko na lang siya.

Nakasunod lang ako kay avery at mukhang ibang direksyon ang pinuntahan niya. Teka di ba dapat sa parking lot ang punta namin?

.."sandali nga! Di ba dapat sa parking lot na ang punta natin? San mo pa balak na pumunta? Gusto mo na bang mamatay?!" Inis na sabi ko sa kanya.

Huminto naman siya sa paglalakad at nilingon ako.."bawal na bang bumili ng pagkain? Kanina pa ako gutom! Di mo man lang ako binigyan ng makakain nung nasa clinic ako!" Napahinto naman ako. Oo nga pala di pa siya kumakain.

Huminga naman ako ng malalim para di niya mahalata na nag  aalala ako sa kanya.

.."Hintayin mo na lang  ako rito at ako na ang bibili. Wag kang aalis!" Tumakbo ako agad papuntang canteen at bumili ng pagkain.

Palabas na ako ng canteen ng hinarangan ako ng dating kaibigan.

.."Ano na naman ba ang binabalak mo at pati si areez dinadamay mo? Lored, please layuan mo na siya! Kung galit ka sakin ako na lang gantihan mo!"

Tinitigan ko siya mata sa mata. Kahit kailan gago ang lalaking to. Hindi ko siya sinagot at lumakad na. Nagsalita naman siya.

.."Dahil ba to sa kanya kaya naghihiganti ka?" Bigla naman uminit ang ulo ko.

.."Ano bang pinagsasabi mo? Tinulungan ko lang siya at wala ka ng pakialam kung ano man gawin ko sa kanya! " inis na sabi ko sa kanya.

.."yun lang ba ang dahilan mo? O, eto na ang paraan mo ng paghihiganti sakin? Pasensyahan tayo lored! Dahil di ko ibibigay si areez sayo! Proprotektahan ko siya sa katulad mo! Tandaan mo yan!" Palakad siya sakin at binangga ako sa balikat. Sinundan ko na lamang siya ng tingin.

Accidentally In Love with the MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon