Chapter 12-The Birthday Boy

29 2 0
                                    

Chapter 12

Areez POV

Nakadapa ako sa kama at nirereview lahat ng subjects na kailangang kung i cope up. Hay! dami ko pa palang dapat aralin. May binigay kasi si Ms. Marielle na mga copies para makahabol ako sa lessons namin pati na rin sa ibang subjects ko.

Di nga ako pinayagan ni lolo na makapagstart sa work ko dahil daw sa kalagayan ko.

Kinulit ko pa nga si lolo na payagan ako pero pinagalitan pa ako.

Di ko na rin kinulit pa baka mas lalong di na ako payagan.

Natawagan ko na rin si kuya james na di pa ako maka pag start sa work. Mabuti at pumayag naman.

Hay! ang malas ko naman ata.

Umalis na rin kanina si lolo pati ang doctor na umasikaso sa'kin. Ayaw pa nga nun umalis pero pinaalis ko na ang kulit kasi.

Galit pa nga siya nung umalis. Hay! Ba't ko ba na sabi ang tungkol kay demonel?

Sabi pa niya di niya palalampasin ang gumawa sa'kin nito! overprotective masyado, buti na lang at nakinig sa pakiusap ko na aksidente lang ang lahat at wag ng mag alala pa. Hay! bahala na nga.

Dumating na rin si Ms. Marielle at pinakiusapan ni lolo na tumira muna dito sa bahay pansamantala at samahan muna ako hanggang sa gumaling ako.

Umangal pa nga ako nung una pero seryoso si lolo kaya di na ako nakipagtalo pa.

Strikto si lolo pagdating sa kalusugan at kaligtasan ko. Naalala ko pa dati nung bata pa ako nadapa lang ako at nagkagasgas sa tuhod sobra na siyang nag alala, umuwi talaga siya dito sa pilipinas at kinancel lahat ng appointments niya para alagaan ako.

Nagalit pa nga siya at pinatalsik lahat ng tauhan niya. Ang O.A. masyado. Pero alam ko naman na ginagawa niya lang yun kasi love niya ako. Kulang na lang pagbawalan ang lamok o langgam na lumapit sa'kin. Pero eeww! Maalala ko lang ang mukha ni lolo na magpout nakaka eewww.

Pinagluto naman ako ng hapunan ni ms. marielle nung dumating siya.

Pinagbilin din siya ni lolo ng kung ano ano pero umalis na rin ako at umakyat sa kwarto ko.

.."Maam Areez handa na po ang hapunan''..bungad sakin ang nakangiting si Ms. marielle na naka apron pa.

Tinanguan ko lang siya at nilapag sa kama ang binabasa kung libro. Nakasunod lang ako sa kanya pababa ng hagdan hanggang sa dining table.

Tinignan ko naman lahat ng inihanda niya. Napangiwi ako ng may nakita akong gulay na niluto niya. Umupo ako at nilingon siya di ata niya alam kung anong bawal sakin.

.."Di ako kumakain ng talong".. simpleng sabi ko. Napasapo naman siya sa noo niya.

.."Pasensya na po maam areez nawala sa isip ko.! Magluluto na lang po ako ng iba"..akma sana niyang kunin nilutong gulay pero pinigilan ko siya.

.."Wag na ok na to. May ibang ulam naman. Samahan mo na lang akong kumain." napangiti naman siya at kumuha rin ng pinggan sa kusina.

Nagsimula na kaming kumain at tanging ingay lang ng kubyertos ang maririnig mo sa buong bahay.

Ngayon lang ako nagkaron muli ng kasama sa hapagkainan maliban sa lolo ko.

Napalingon naman ako kay ms. marielle na nagpatuloy lang sa pagkain.

Accidentally In Love with the MonsterWo Geschichten leben. Entdecke jetzt