Chapter 4-Job Attack

113 7 2
                                    

CHAPTER 4

Late na ako!! Mas binilisan ko pa ang pagbababike. Hay grabe naman kasing teacher na yun, di kami ididismis ng di tapos imemorize ang isang poem. Buti sana kung 5 stanza lang e 20 stanza yun! Kaya eto ako ngayon namamawis na papuntang pub club. Sosyaling club yan ha! Baka mag isip kayo ng iba. First day ko ngayon sa work at bad record agad!

Pagkadating ko sa tapat ng building ay nakahinga naman ako dahil sarado pa ang pub club. 6pm to 6am kasi ang opening ng club na to kaya sakto lang sa schedule ko. Tinignan ko ang wrist watch ko 5:45 p.m. pa lang kaya swerte at nauna ako.

Bumaba ako sa bike at hawak ko na lamang ito sa manubela. San kaya ang entrance nito??

May dumating naman na red sports car at nagpark sa harap ng pub. Namukhaan ko siya agad. Si Sir James Pascua ang may ari ng pub. Nilagay ko muna ang bike sa gilid at binaba ang stand nito. Lumapit ako ky Sir James at binati siya.

.."hello Sir James! ako po si Avery Loreez Thomas ako po yung nag apply nung isang araw at ngayon po ako magsisimula." masayang bati ko sa kanya.

.."Ikaw ba yun?!" tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa.

.."opo! bakit po may problema po ba?" nagtaka naman ako sa reaksyon niya..

Napahawak naman siya sa baba niya at patango tango.."Nagtataka lang ako bat ang isang studyante ng New Thomas Academy ay magtatrabaho sa isang pub? Ang alam ko puros mayayaman ang nag aaral dun.!" sabay lagay ng kamay niya sa siko. Kalimitan kasi ang customers ko, mga studyante ng skwelahang yun." napangiwi naman ako, pano niya nalaman na dun ako nag aaral? tinignan ko ang suot ko! Shit! nakalimutan kung magpalit ng uniform..Patay!! baka di ako tanggapin nito.

.."s-sir ano po..masipag naman po ako pati matiyaga..pagbubutihin ko rin po ang trabaho ko tanggapin niyo lang ako!.." paiyak effect para maawa siya..

.."Magsabi ka sakin ng totoo? Naglayas ka ba kaya ka nagtatrabaho ngayon?" tanong niya.

Napaatras naman ako.."Hindi po! Sa katunayan ulila na po ako." which is true naman..." Sarili ko nalang ang binubuhay ko kaya kailangan ko talagang magtrabaho. Please naman po tanggapin niyo na ako..?" hinawakan ko siya sa braso niya. In fairness tigas ha..hihihihi

.."Sino bang nagsabi na di kita tatanggapin?? Nagtatanong lang naman ako ha??Shunga kang bata ka??!!" ay nah!!..si sir james girlaling pala ahahaha..sayang gwapo pa naman.

.."at isa pa wag mo nga akong tawaging Sir!! Nakakaasiwa!!..Kuya nalang at wag mo na akong pino po! Bata pa ako! Halika na nga sa loob ng mapag usapan natin ang mga gagawin mo at ang sweldo mo." naglakad na siya papasok sa loob ng building sumunod naman ako.

Yesss!! may trabaho na ako!!hahahaha..

Palinga linga ako..wow ang ganda pala dito sa loob ang sosyal..may nakita na rin akong mga tao sa loob siguro dito rin sila nagtatrabaho..May lumapit namang isang magandang babae tansya ko mga 20 pataas na ang edad nito.

.."Jean, paki tawag ang lahat! dahil may ipapakilala ako sa inyong bagong empleyado."  utos ni kuya james.

.."Sige!" tumingin ang babae sakin at ngumiti. Kaya nginitian ko rin siya. Parang ok naman dito, siguro madali ko silang makakasundo..

.."at ikaw? Ano bang pangalan mo ulit?" tanong sakin ni Kuya James.

.."Avery Loreez Thomas..Pero Areez na lang po." sagot ko sakanya.

.."Well, Areez..Mauna ka ng pumasok sa opis ko. Susunod lang ako. Kakausapin ko muna ang mga empleyado ko" tumango lang ako at pumasok na nga sa opis niya.

Accidentally In Love with the MonsterWhere stories live. Discover now