Chapter 14-Lagot ka!

22 1 0
                                    

Castly POV

Kasalukuyan kaming nasa hospital ngayon. Pabalik balik ako ng lakad at hinihintay na magising si areez.

Nawalan siya ng malay sa sobrang takot niya kanina. Unang beses kung nakita si areez sa ganung sitwasyon.

Kasalanan ko ang lahat ng to. Kung sana pinakinggan ko siya na sa ibang lugar nalang kami pumunta di sana mangyari ang lahat ng to.

Napalingon ako bigla ng may bumukas ng malakas sa pinto at pumasok ang mga nakaitim na lalaki at kasunod nilang pumasok ang isang matanda.

Laking gulat ko ng makilala kung sino ang taong yun.

"C-chairman Thomas?" Utal na saad ko.

Di naman niya ako pinansin at tinungo agad si areez. Hawak ang kamay na hinalikan niya pa ito.

Nagtataka man pero di nalang ako umimik. Pinagmasdan ko na lamang si Chairman Thomas. Ano kayang ginagawa niya rito? Kaano ano niya si areez?

"Apo? Gising na! Dito na si lolo." Haplos pa nito ang noo ni areez.

Nagulat naman ako sa nalaman ko. Apo niya si areez?? Napaisip ako? Avery Loreez Thomas ang full name ni areez. Napaatras ako kaya nasagi ko ang lamesa kaya nakalikha ito ng ingay.

Lumingon naman sa gawi ko si chairman thomas. Kunot noo niya akong tinitigan.

"Sino ka? Ikaw ba ang kasama ng apo ko sa amusement park?" Galit na sabi ni chairman thomas.

Napalunok naman ako at di kaagad naka sagot.

"Y-yes sir!" Tumayo naman ako ng tuwid at nagpakilala.

"I'm castly morris, sir! I'm a good friend of your grand daughter! I'm really sorry for what happen to areez. I'ts all my fault sir!" Nakayukong sabi ko sa kanya. Patay lagot ako nito.

Marami pa naman akong nabalitaan na sobrang strikto ni chairman thomas.

"So, are you the grandson of Leo Morris?" Nanatili pa rin akong nakayuko  "Will you please stand up straight and look at me!"  Pasigaw na sabi nito kaya ginawa ko naman  ang sinabi niya.

Grabe ang strikto niya. Actually ngayon ko lang siya nakita ng personal. At tama nga ang sabi nila nakakapanliit kung makaharap mo na siya.

"Y-yes sir! H-he is my grandfather! I'm glad to meet you in person sir, but not in good timing." Napalingon ako kay areez na himbing pa rin ang tulog. Kahit anong gawin ko nauutal pa rin ako.

"Tell me, bakit kayo pumunta ng amusement park? Alam mo bang may trauma ang apo ko sa lugar na yun?! Alam niya bang pupunta kayo run?! Sumagot ka!" Nabigla naman ako sa pagsigaw niya.

"Sorry sir! Kasalanan ko po. Pinilit ko siyang sumama sakin  kasi magcecelebrate kami ng birthday ko. Ayaw naman talaga niyang pumasok kaso...kasalanan ko po talaga. I'm really sorry, parusahan niyo po ako kung gusto niyo." Paumanhin na sabi ko.

Napabuntong hininga siya at tinitigan muli ang apo. "Marami ng naranasan na paghihirap si areez, simula pa nung bata pa siya. Hanggang ngayon, dala pa rin niya ang paghihirap na yun. Kung kaya ko lang kunin ang lahat ng sakit, matagal ko ng kinuha." malungkot na saad ni chairman thomas.

Napalingon naman ako sa gawi ni areez ng gumalaw ito. Dali dali ko namang pinindot ang buzzer para pumasok agad ang nurse.

"Apo? Anong nararamdaman mo? Anong masakit sayo?" Tinulungan ko namang bumangon si areez at parang nalilito na nandito kami sa harapan niya.

Accidentally In Love with the MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon