Chapter 9-Wounded

77 5 0
                                    

Chapter 9

Lored POV

Minamasdan ko lang si avery mula sa kinauupuan niya. Aminado akong nainis ako sa kanya dahil sa pagpapahiya niya sakin sa buong eskwelahan.

Pero di ko magawang magalit, dahil sa naisip ko na siya ang batang nakasama ko noon nung nakidnap ako.

Tatlo kaming batang nakidnap noon kasama pati ang kuya niya. Dalawang linggo kaming nasa kamay ng mga masasamang loob at dun ko nakilala si bey at si ardie.

Si bey ang batang babae at kuya niya si ardie. Hindi ko alam ang totoo nilang pangalan pero ang alam ko galing sila sa kilalang pamilya.

Simula nung naligtas kami sa pangingidnap di ko na sila nakita kahit kailan. Kahit na pinahanap ko na sa mga magagaling naming detective wala talaga silang nakuhang impormasyon.

Kaya nung una ko siyang nakita sa labas ng gate alam kung siya ang batang yun.

Dahil sa nakita ko ang pulang birth mark niya sa binti na hugis puso. Imposible naman na magkaroon rin ng ganung birth mark ang ibang tao.

Pero di pa rin ako sigurado kung siya nga ba ang batang yun. Dapat ko pang alamin kung siya nga ba yun.

Nabalik ako sa katinuan ng batuhin ako ni percy ng scratch paper. Panguso siyang sumenyas sa lugar ni avery.

Kinunotan ko siya ng noo at pabalik na tinapon ang papel sa kanya. Nagsulat naman siya sa ibang papel nilukot niya at tinapon muli sakin.

Ano bang trip nito at ginawa pa akong trash bin! Sumenyas naman siya na buklatin ang papel.

Bwisit na to! Kung makautos parang siya ang boss! Makakatikim ka talaga sakin mamaya!.

Wala na akong nagawa at binuklat na lamang ang papel. Nagsalubong naman ang kilay ko dahil sa sulat na ginawa niya.

..Dude, akin ang babaeng yan. Ako muna unang titikim..wag mo ng titigan pa..!! Hahahaha..

Nilingon ko siya at pangisi ngising siyang tumingin sakin. Kahit kailan manyak talaga ang lalaking to, hindi naman to dating ganito. Naging ganyan siya simula nung nalaman niyang may ibang lalake ang mama niya. Para sa kanya lahat ng babae katulad ng mama niya.

Sinulatan ko din ang papel na nilukot niya.

..SUBUKAN MONG GALAWIN SI AVERY!! IBIBIGTI KITA!!!..

Sabay tapon sa mukha niya. Nakakainis na talaga ang lalaking to. Kita ko na nagpipigil siya ng tawa pero may pa palo palo pa sa mesa niya kaya lumikha ito ng ingay.

Kaya lahat napatingin sa lugar niya. Kasama pati si ms. Marielle. Buti nga sayo at ng magkademerit ka!

.."Mr. Percival Lopez! I think you've learned enough, cause you keep on laughing with yourself alone. You may excuse yourself and leave the room immediately.!" Sita sa kanya ni Ms. Marielle. Buti nga sayo ugok ka.

.."Sorry Miss! It won't happen again!" Napayuko siya ng wala sa oras. Ahahahaha epic fail!

.."I'm watching you!" Striktang sabi ni ms. Marielle sa kanya..

Nabaling naman ang tingin ko kay avery na kanina pang kunot noong tumitingin kay Miss. Hay! ewan inaantok ako! mabuti pang matulog.

——————

Areez POV

Hindi ko pa rin maisip na ang yaya ko e teacher ko pa! Correction! Hindi pala yaya, para naman kasing batang uhugin ako kung yaya pa ang tawag sa kanya.

Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Kaya pala naka formal attire siya kasi part time niya rin ang pagtuturo! Alam kaya to ni lolo?!

Malamang alam ni lolo to.! Siguro sinadya talaga ni lolo na siya ang kunin para masiguradong papasok talaga ako sa skwelahan. Wala ba siyang tiwala sakin?

Accidentally In Love with the MonsterWhere stories live. Discover now