Chapter 24

27 0 0
                                    

Biyernes ng umaga. Maaga na naman akong nagising dahil sa mabangong amoy ng pagkain. Naranasan ko na to nung maaga ring nagising si Liza para ipaghanda ang pamilya ko ng masarap na almusal. Kaya nung naamoy ko pa lang ang masarap na aroma ng pagkain, napangiti na agad ako dahil alam kong naghahanda na si Liza ng almusal. Na miss ko yun kaya biglang ginanahan na agad ako sa umaga at dali dali akong bumangon para puntahan sya sa kusina. Hindi nga ako nagkamali dahil naghahanda nga talaga si Liza ng masarap na almusal. Maaga pa lang pero parang blooming na sya. Kitang kita sa mukha nya ang pagiging masaya. Napakaganda nya pag nakangiti sya. Dahil dun, napatitig na naman ako sa kanya at bumilis na naman ang tibok ng puso ko pero hindi na ko tulad ng dati. Hindi ko na pinipigilan ang sarili ko sa nararamdaman ko para sa kanya kahit hindi pa ko sigurado. Ok na sana ang pakiramdam ko pero bigla na lang sumagi sa isip ko na baka dahil masaya sya ngayon, eh dahil siguro sa naging moment nila ni Lloyd kagabi. Nung naisip ko yun, bigla naman akong nanlata na ewan. Pero ayoko magpa apekto. Ginusto ko rin naman yun para maging masaya si Liza eh. Hindi na ko nagpa apekto sa biglaang panlulumo ko at ipinagpatuloy ko ang good mood ko.

"Wow, sa wakas at nagluto na uli sya oh. Hehe."

"Oh Paulo!!! Ginulat mo naman ako. Kanina ka pa ba dyan? Ang hilig mo mang ganyan pag nagluluto ako sa umaga." Sabi ni Liza.

"Haha pasensya naman. Nae engganyo kasi akong panuorin ka habang nagluluto ka eh. Ang galing mo kasi kaya hindi kita iniistorbo."

"Hehe ganun? Nambola pa. Nga pala. Magandang umaga sayo." Sabi ni Liza.

"Magandang umaga rin sayo Liz. Ahmm...nga pala, kumusta date nyo ni Lloyd kagabi? Masaya ba? Marami ka bang nakain? Hehe."

"Ha? Ah eh....kagabi? Ahm...ayos lang naman. Masaya.." sabi ni Liza.

"Masaya lang? Paano mo naman nasabing masaya? Kwento ka naman. Anong pinag usapan nyo?" Sabi ni Liza.

"Basta masaya. Hmmm ayoko nga mag kwento. Nung nagtanong ako sayo kung ano ang pinag usapan nyo ni Maan nung nagkabati kayo eh hindi ka rin nag kwento eh. Patas na tayo. Haha." Sabi ni Liza.

"Huh? Aba bumabawi ka ah. Sige ikukwento ko sayo kung gusto mo. Basta i kwento mo rin sakin ang pinag usapan nyo ni Lloyd."

"Haha wag na. Sarilihin na lang natin ang mga pribadong usapan natin sa kanila. Di naman malaking bagay yun diba. Hihi." Sabi ni Liza.

"Napaka duga mo talaga. Hmmmm. Sige na nga bahala ka."

"Hahaha pasensya na.. sige na kain na tayo." Sabi ni Liza.

"Hehe sige lets rock."

Masaya naming sinimulan ang araw na ito. Paano ba naman, masarap ang almusal na inihanda ni Liza eh. Nakakagana talagang humarap sa panibagong araw pag masarap ang almusal. Hindi ko na rin kinulit si Liza tungkol sa mga pinag usapan nila ni Lloyd sa date nila. Tama nga naman sya. Kailangan din ng privacy sa isat isa. Tsaka hindi ko nga rin naman sinabi sa kanya ang mga napag usapan namin ni Maan noon kaya parang kadugaan naman kung pipilitin ko sya kaya hinayaan ko na lang na wag nyang sabihin sakin. Pero kahit ganun, hindi ko maiwasang mapaisip kung ano ba talaga ang pinag usapan nila. Naku question ako pero hindi ko na inintindi yun. Mapa paranoid lang ako pag inisip ko pa ng inisip yun. Pagpunta namin sa auditorium, masigla naming sinimulan ang pag eensayo. Balik sa magandang aura ang paligid. Hindi talaga kami nakakaramdam ng pagod pag nag eensayo dahil sa sobrang saya namin. Makita ko ba naman na lahat ng mga kasamahan ko at lalo na si Liza ay nakangiti, talagang gaganahan ako at hindi ko iintindihin ang pagod. Nagpatuloy ang mga ganitong araw. Kahit minsan ay hati ang atensyon ko dahil nagtuturo rin ako kay Arianna sa mga homeworks nya, hindi talaga ako napapagod dahil masayang masaya ako sa ginagawa ko. Malapit na ang big day ng pagtatanghal namin pero pansin sa mga ka grupo ko na handang handa na sila. Yan ang nakakabilib sa mga kasamahan ko. Kahit ang mga baguhan sa amin ay parang beterano na rin sa pagtatanghal dahil sa sobrang husay. Gaya ni mr. Abalos, Naniniwala rin talaga ako na magiging matagumpay ang pagtatanghal namin.

in Another LifetimeWhere stories live. Discover now