Chapter 4

77 2 0
                                    

Alas singko ng umaga ng maalimpungatan ako dahil parang may naaamoy akong masarap. Paglabas ko ng kwarto ko, nakita ko rin ang nanay ko na nagising dahil naamoy nya rin ang masarap na amoy, syempre napasilip kami sa kusina dahil parang dun nanggaling yung amoy. Nagulat na lang ako nang makita namin ni inay si Liza na nagluluto ng pang almusal. Hindi na muna namin sya sinita sa ginagawa nya. Pinagmasdan na lang muna namin kung paano sya magluto. Abay magaling ah. Organized ang paghahanda nya ng mga pagkain na niluluto nya at dahil HRM student ako, na impress ako sa gawa nya.

"Ay magandang umaga po sa inyo. Magandang umaga Paulo. Ito pinagluluto ko na kayo ng almusal bago magsimba. Pasensya na po kayo at nangialam po ako sa kusina. Nakakahiya naman po kasi na wala pa kong gagawin para po sa pagtuloy ko dito." Sabi ni Liza.

"Ay iha wala kang dapat ipagpasensya. Kami pa nga nahihiya at pinagluto mo kami ng almusal. Pasensya ka na rin ah. At salamat na rin. Sige na iha ako na bahala at magtutuloy nyan. Pumwesto na kayo ni Paulo sa mesa. Ikaw Paulo gisingin mo na mga kapatid mo pati tatay mo at magsisimba tayo ng alas sais. Dali." sabi ni inay.

Nahihiya ako kay Liza. Dapat ako gagawa nun dahil ako lang magaling magluto rito sa pamilya bukod sa nanay ko.

"Ah eh Liza, ayos yang mga hinanda mo ah. Hehe mukang masarap."

Sabi ko na lang ng nahihiya ng konte.

"Hehe sa tingin mo ba kahit ganto lang ako eh hindi ako marunong sa mga ganyan. Mahilig din ako magluto. Lahat ng sangay ng sining hilig ko eh." Sabi ni Liza.

Lalo akong namangha sa kanya. She loves every kind of art too. Muntik na kong ma infatuate sa kanya. Mga ganung babae kasi ang tipo ko. Simple, maganda, mabait, masipag, mahilig sa art. Pero hindi ako nagpadala sa naramdaman ko. Inalala ko na lang na may sapak tong babaeng to para safe. Mahirap na pag nahulog ng tuluyan loob ko rito. Hindi ko pa sya lubos na kilala.

"Ah ganun ba? Ah eh.. ayos yan ayos yan. Maganda yan. Keep up the good work Liz. Sige gigisingin ko lang mga kapatid ko ah pati si tatay." Ayun na lang ang nasabi ko sa kanya sabay lakad ako pabalik ng kwarto para gisingin mga kapatid ko at si erpat.

Pritong tuyo, sunny side up na itlog, hotdog, bacon, sinangag na may itlog, lettuce at bacon bits. Di ko napansin na tumulo na laway ko pagtingin ko sa mga pagkain sa mesa. Classy pa pagkaka pwesto ng mga kubyertos sa mesa. Parang mayaman ang kakain. Namangha talaga ako. Napabilib ako ni Liza. Pero sa sobrang bilib ko naman, hindi ko na napansin na naunahan na ko ng mga kapatid ko pati magulang ko na lumantak. Parang mahihiya ako sa mga pinag gagagawa nitong nga to. May ibang tao sa bahay eh. Ok lang sana kung kami kami lang. Sabagay hindi ko rin naman sila masisi. Bihira lang din kasi kami mag almusal ng ganito. Di na rin ako nagpahuli, naki join the party na ko. Buti nasandukan ni inay ng pagkain si Liza, akala ko aalalahanin ko pa sya eh. Kapal lang ng mukha ko. Wala eh gutom ako eh. Pagkain ang first priority ko. Haha. Pagkatapos namin kumain lahat, nag ayos na kami ng katawan para sa paghahanda sa pagsisimba. Pero si Liza, yung damit nya simula pa kahapon yung muling susuotin nya.

"Hala? Anu ka ba iha? Wala ka bang ibang susuotin ha? Ang dumi ng damit mo oh." Sabi ng nanay ko.

"Ah eh. Wala ho eh. Ahm nakalimutan ko ho magdala. Ayos na ho ako sa ganito." Sabi ni Liza.

"Anu ka ba Liza. Hindi pwedeng ganyan. Ke ganda mong babae tapos ang dugyot ng suot mo. Halika papahiramin na lang kita. Anna halika samahan mo ko, ayusan natin si Liza." Sabi ni Ate Belinda.

No comment na lang ako. Sabagay sang ayon din naman ako sa opinyon ni ate. Di rin naman kasi maganda na parang pang iskwater lang ang suot nya tapos kami nakapormal na pupunta sa simbahan.

"Oh dalian nyo na, mahuhuli na tayo sa misa. Belinda, Anna, Liza bilisan nyo." Sigaw ni tatay.

Mga babae talaga. Mag ayos lang ng sarili, parang dekada na ang aabutin sa sobrang tagal. Hindi nila alam mas maganda sila pag simple lang ayos. Yung tipong wala nang make up o chinchansu sa mukha. Mas attractive ang simpleng babae. Paglabas nila ng kwarto. Parang makakalas ang panga ko nung nakita ko si Liza. Hindi ko masabi yung perfect word na bagay sa kanyang mae describe. Basta masasabi ko na lang. Napakaganda nya.

in Another LifetimeWhere stories live. Discover now