Chapter 7

77 1 0
                                    

Mukang naging maayos ang daloy ng araw na to para sakin. Hindi mawala sa mukha ko ang ngiti habang papauwi ako. Eh magkakaroon ba naman ako ng quality bonding time bukas kay Maan sa tour namin. Parang timang lang tuloy ako. Nakangiti ba naman habang naglalakad. Pero wala akong pake.  Masaya ako eh. Excited na ko kaya nagmadali na kong makauwi para makapaghanda agad ng mga dadalhin para bukas. Pag uwi ko sa bahay, nadatnan ko si Liza na naglilinis pero parang wala sa mukha nya ang mukang masigla. Parang matamlay kasi sya. Hindi kaya dinamdam pa rin nya yung mga nasabi ko nung nakaraang araw? Alam ko kasi naging ok naman kami agad. Para maging maganda mood nya, binati ko na lang sya ng masigla at sakto may dala akong pasalubong. Good way para maging masaya naman sya.

"Gandang gabi Liz. Kumusta? Parang hindi ka ata masaya ngayon ah? Tsaka mukang hindi ka ata nag cross stitch ngayon. May problema ba? Anyway, eto may dala akong pasalalubong oh. Donuts tsaka softdrinks pampa good vibes. Mukang kailangan mo eh. Hehe"sabi ko kay Liza.

"Ah eh wala namang problema Paulo. Di lang kasi ako mapakali kanina pa. Iniisip ko kasi kung ano na ba nangyayari sa bahay at sa pamilya ko. Anu ba ang nabalitaan mo ngayon doon? Diba sabi mo pupunta ka doon ngayon para alamin kung ano problema sa amin. May nakuha ka bang impormasyon?" Sabi ni Liza.

Bigla akong napatahimik at napatulala sa kanya. Naku Patay!!! Kung anu pa yung importanteng gagawin ko ngayong araw, yun pa ang nakalimutan ko. Nawala sa isip ko yun dahil sa natabunan ng sobrang pagkasaya ko. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko ipapaliwanag kay Liza ang dahilang hindi ako nakapunta dun sa bahay na sinasabi nyang sa kanila. Mag gagalit galitan ba ko o magmamaka awa sa kanya na patawarin nya ko dahil di ko natupad yung pangako ko. Dahil sa di ko alam ang gagawin ko, Bigla na lang lumabas sa bibig ko yung salitang "hindi ako nakapunta" habang nakatulala pa rin ako sa kanya. Wala nang lumabas sa bibig ko pagkatapos nun. Napangiti lang sakin si Liza at sinabi nya na naiintindihan nya raw pero pansin na pansin sa mukha nya ang pagkalungkot. Pagkatapos nun eh nagpaalam na sya sakin na magpapahinga na lang daw sya dahil pagod na raw sya. Wag na daw akong mag alala dahil nakakain na rin naman na daw sya. Wala akong ka rea reaksyon sa mga nangyari. Pagka pasok nya sa kwarto, nakatayo pa rin ako sa sala hawak hawak yung pasalubong ko. Sobrang nakonsensya kasi ako pero wala naman ako magawa. Wala man lang akong nagawa sa pinangako ko. Nagsimula na rin ako magpahinga. Nawala bigla gutom ko. Nagbago kasi bigla yung mood ko. Hindi ko alam kung gagawin ko bang big deal ang nangyari.

Alas singko ng umaga ako nagising. Hindi rin ako nakatulog dala ng sobra kong pag iisip sa nangyari kagabi. Nauna akong nagising at si Liza ay mahimbing pa ang tulog. nakokonsensya pa rin ako. Ang dali ko talagang makonsensya kahit sa simpleng pagkakamaling nagawa ko. Kaya bilang pambawi na lang sa pangako ko sa kanya na pinako ko, naghanda ako ng masarap na almusal para sa kanya. Pagkatapos nagsulat ako sa papel. Sinulat ko dun na sobra talaga akong nagsosorry sa kanya dahil kinalimutan ko yung pangako ko at hindi ko man lang naipaliwanag sa kanya ng maayos. Sinulat ko rin na babawi na lang ako. Pagkatapos ng araw na to, bukas na bukas pagkagaling ko sa pupuntahan ko eh dadaanan ko na yung bahay para sa kanya. Hindi ko masabi sa kanya to ng diretso dahil tulog pa sya at tsaka nahihiya pa rin ako kaya dinaan ko na lang sa sulat. Pagkatapos ko, sinimulan ko nang umalis. Pagdating ko sa harap ng school namin eh nandun na yung bus na exclusive para sa theater group na magtu tour sa CCP ngayong araw. Nandun na rin si Maan at sinalubong nya na rin ako pagdating ko.

"Good Morning Pau. Akala ko hindi ka sasama eh. Malapit pa naman na umalis. Sakto alas syete. Buti nakahabol ka. Ang kupad mo pa rin talaga." Sabi ni Maan.

"Oo nga eh. What's new? Palagi naman akong late. Pag ako naging maagang dumating sa isang event, magulat ka na dahil di ako yun. At tsaka bat ang aga nga pala ng assembly natin? Eh ang alam ko 10 pa ng umaga ang bukas ng CCP ah." Sabi ko kay Maan.

in Another LifetimeWhere stories live. Discover now