Chapter 11

69 0 0
                                    

Parehong hindi mawala sa mukha namin ni Liza ang saya na na experience namin ngayong linggo. Hindi rin matapos sa pagkukwento si Liza tungkol sa mga masasayang nangyari sa kanya ngayong araw. Kahit sino naman siguro. Basta 1st time mong naranasan ang isang bagay, hinding hindi ka matatapos sa pagkukwento. habang papauwi kami, biglang nag ring ang cellphone ko. Si inay tumatawag.

"Hello Nay. Kumusta po kayo?" Sabi ko

"Oh Paulo. Akala ko ba uuwi ka tuwing weekend? Bat di ka umuwi kahapon? Sabi ko magtetext ka o kaya tumawag man lang." Sabi ni inay.

"Ay nay pasensya na po. Eh kasi busy lang po talaga ako ngayon. Ang dami na pong gawain sa school. Malapit na rin po kasi ang Finals namin kaya bugbog na rin po ako sa pag aaral pati sa thesis namin. Di bale inay next sunday po try ko makauwi dyan sa atin. Miss ko na po kayo." Sabi ko.

"Miss na rin kita anak. Talagang nagma mature ka na. Natututunan mo nang maging independent. Wag ka lang agad mag aasawa ah. Magtrabaho ka muna." Sabi ni inay.

"Ay hindi po. Hehe opo mag aaral muna ako. Tsaka wala naman po akong pwedeng maging inspirasyon sa ngayon kaya pag aaral lang muna talaga tsaka trabaho agad pagka graduate ko nay." Sabi ko.

"Naku. Eh yung babaeng dinala mo rito noong nakaraang linggo. Yung si Liza ba yun? Hindi mo pa ba sya inspirasyon o girlfriend? Ok naman sya ah. Basta wag lang agad kayo magpaplano ng kung anu ano ha!" Sabi ni inay.

"Ha!? Kayo talaga kung anu ano mga pinag iiisip nyo. Hindi ko naman girlfriend si Liza eh. Kaibigan ko lang yun. Sige na nga po. Babye na. Hehe goodnight po." Sabi ko.

"Deny deny pa. Hehe sige anak. Goodnight. Ingat ah. Godbless. Bye." Sabi ni inay.

Ang kulit lang ng nanay ko. Sinabi ba namang girlfriend ko si Liza. Hay naku. Gagawa pa ng issue eh.

"Sino yung kausap mo Paulo? Bat parang narinig ko ata yung pangalan ko kanina?" Sabi ni Liza.

"Ha? Ah eh si inay. Nangumusta lang. Kinumusta ka lang din. Namiss ka ata." sabi ko.

"Talaga? Hehe namimiss ko na rin ang pamilya mo. Sana makapunta pa ko ulit dun sa inyo. Pwede pa ba?" Sabi ni Liza.

"Eh...hindi ko alam. Depende. Hehe sana." Sabi ko.

Hindi ko masabi kung pwede ba o hindi ko na sya pwedeng dalhin samin. Baka kasi kung ano na isipin ng pamilya ko pag dinala ko pa sya dun. Pag uwi namin sa bahay, sumaglit lang ako sandali sa labas para bumili ng makakain namin pag manonood na kami. Pagbalik ko, sinimulan ko nang isalang yung palabas. Natutuwa lang ako rito sa bahay na inupahan namin, sulit na sulit ang bayad dahil ultimo mga appliances eh libre naming magamit. Buti may DVD player at TV na rin. Swerte rin kami sa naupahan namin. Kahit pasimula pa lang ang palabas, ngiting ngiti na si Liza habang nanonood. Halatang halata ang pagka excite. Natutuwa ako dahil para syang bata na nakayakap pa sa unan habang nanonood.

"Huy. Para kang bata dyan ah. Hehe." Sabi ko.

"Hehe nasasabik lang kasi ako eh. Sa wakas mapapanood ko na rin ang palabas na ito." Sabi ni Liza.

"Trust me. You will love this movie. Uulit ulitin mo to. Hehe" sabi ko.

Masaya naming sinimulan ang pelikulang "THE SOUND OF MUSIC". May mga bagay talaga na kahit pinaglumaan na ng panahon, makikita mo pa rin sa kanila yung kahalagahan nila at kasiyahan na naidulot nila sa lahat. Gaya ng palabas na to. Halos 50 years na ang nakalipas pero hanggang ngayon, kahit sino ay sumasaya pag napapanood ang palabas na to. Bigla ko tuloy naisip na siguro kung hindi lang nawala si Liza sa panahon nya, siguro kahit hanggang ngayon ay mas binibigyang puri pa sya ng marami. Kung natuloy lang sana sya sa broadway eh siguro isa sya sa mga pinagmamalaki ngayon ng mga philippine artist. Sayang lang at hindi nangyari ang lahat. Nung dumating na sa part ng pelikula yung eksena na yung panganay na anak na babae ni Capt. Von Trapp ay lumabas ng bahay at nakipagkita sa kasintahan nya, hindi ko naiwasang kiligin dun sa babae.

in Another LifetimeWhere stories live. Discover now