Prologue

197 4 2
                                    

Time is Precious.

Isa sa mga mahalagang kataga na alam natin lahat. Tama. Mahalaga ang oras. Pero ang tanong, gaano nga ba kahalaga ang oras at panahon para sa isang tao. Paano ba natin malalaman sa ating mga sarili kung ano ang tunay na kahalagahan nito. Maaring may iba iba tayong sagot., ngunit mayroong isang direktang sagot na tutugma sa katanungan na ito. Siguro ay maiintindihan lang natin ng lubusan ang kahalagahan ng oras at panahon, kung mayroong isang bagay, pangyayari o taong makapagpapa iitindi satin nito. Hindi man sadya ngunit malalaman na lang natin bigla ang lahat dahil sa mga sitwasyong lalapit sa buhay natin. Masakit man ang katotohanan na kadalasan ay naiintindihan natin ito sa huli, malaki at magiging isang importanteng aral naman ito para sa bagong Simula.

Kaya bilang isang paalala, ibig kong basahin ninyo ang aking storya at magsilbing gabay upang pahalagahan ang bawat oras at panahon ng inyong buhay.

(P.L.SOLIVERES.)

in Another LifetimeWhere stories live. Discover now