chapter 68

11.1K 146 70
                                    

chapter 68

rowena's pov

"can you let me go" parang isang malakas na bomba na sumabog sa harapan ko ung sinabi ni mike sakin, let him go?? alam kong parang napaka o.a kasi ang bata ko pa para mag habol ng ganito sa isang lalaki, masisi niyo ba ako kung nakita ko na agad ung alam kong tama para sa puso ko??? ang alam ko kasi wala nman pinipiling edad ung love, swerte nga ako kasi nakita ko na agad ung alam ko na para sakin, maswerte nga ba talaga ako?

"pag ba sinabi ko sayo na i cant anong gagawin mo??" gusto kong malaman kahit alam ko na walang plano si mike sabihin sakin kung bakit niya ako iniwan, aalamin ko un, kahit pa anong dahilan niya tatangapin ko na, para lang sumaya siya, bsta ang sakin lang ngayon, malam ko kung bakit

"aalis pa din ako, di na ako babalik" napatitig ako bigla sa mga mata ni mike, napakaseryo niyang tignan parang sinasabi sakin na ayan ung totoong laman ng puso niya, siguro hinde lang pagkatao ni mike ung nawala sa kanya, pati na rin siguro ung pag mamahal niya sakin nawala na dahil sa naging nakasarili ako

"pag sinabi ko na pinapalaya na kita, babalik ka pa sakin?" desperadang bobong tanga na ang tingin ko sa sarili, dahil parang nag mamakaawa na ako kay mike na bumalik sakin, pero pano kung hinde nman talga siya babalik sakin? pano kung sinabi lang niya un para pakawalan ko siya?

masama na ba ako kasi umaasa ako na sana kahit gano pa katagal ung pag nanahanap niya sa sarili niya, na mababalik pa din ung dating kami?

masama ba ako kasi hinde ko na inisip si mike? puro ung nararamdaman ko na lang ung importante sakin?

masama na ba ako kasi mahal na mahal ko si mike?

"well see"

ivy's pov

"sabihin mo na kasi sakin ting kung asan si mike at wena!!!!" naiinis kong sabi kay kurt, nag aalala din kasi ako kay rowena baka kung anong kagagahan na naman ung gawin niya para mapigilan lang si mike

"alam mo tabs, kung iniintindi mo nalang ung pinapanuod natin mas okey pa, kaysa ung para kang ewan jan na hindi mapakali -_-"  >_< kahit kailan talga walang kwentang sabihan ng problema tong si kurt, pasalamat na lang siya kasi talgang mahal ko na siya ngayon, natangap niya ako kahit pinapakita ko na sa kanta unti unti kung sino talga ako, aaminin ko sugal ang tingin ko sa ginagawa ko ngayon, sugal dahil hinde ko naman alam kung matatangap ba ako ni kurt kung sino ako talga o iiwan na lang niya ako

"kasi nag aalala talga ako sa kanila ting" mahina kong sabi nung napansin ko na nakatingin na pala halos lahat ng katabi namin ni kurt

"look tabs, rowena should see things na hinde niya nakikita dati, kung palaging asa tabi tayo ni rowena, hinde niya makikita kung ano si mike" napakunot ung noo ko sa sinabi ni kurt, para kasing ang dami na niyang alam kay mike, alam na hinde namin alam lahat

"nakausap mo na ba si mike?" napatakip ako sa bibig ko nung mukang napalakas ung boses ko, kakainis nman kasi bakit di nag sasabi sakin si kurt kung nakausap na niya si mike? bakit hinde niya sabihin kay rowena? kakainis

kahit hiyang hiya ako kumaway na lang ako sa mga tao na nakatingin samin ni kurt habang palabas kami sa sinehan, pinalabas kasi kami ng magaling na guard, may nag reklamo daw kasi samin >_<

"puntahan na natin sila ting, nag aalala talga ako" sabi ko bago pa ako sumakay sa sasakyan ni kurt, kilala ko si rowena alam ko na masasaktan siya ng sobra pag tinaboy na nman siya ni mike, at gusto ko ayun na ung huling sasaktan siya ni mike, alam ko nman na mahal niya si mike pero kung palaging ganun na lang mas mabuti pa siguro na makielam na ako at ilayo ko ung kaibigan ko sa taong kahit alam ko pang mahal niya eh ung taong dudurog naman sa puso niya

"alam mo bang naiintindihan ko si mike" napahinto ako sa pag aayos ko ng seatbelt dahil sa sinabi ni kurt, tama nga ako nakausap na niya si mike, ang hinde ko lang maintindihan ngayon bakit di niya sinabi samin? 

"naiintindihan ko siya tabs kasi mahal kita,,, naiintindihan ko siya kasi alam ko na dinadadaanan mo din ung dinaanan ni mike, sa totoo lang dapat ikaw ung nakakaintindi sa kanya ngayon kasi alam mo kung gano kahit mag pangap sa harap ng taong gusto mo na magustuhan ka, kahit hinde ko pinag dadaanan un tabs alam ko mahirap un"

hinde ko alam kung bakit pero bigla akong napaakap kay kurt, ang swerte ko sa kanya, kahit eto lang ako tangap niya ako, kahit halos parehas kami ni mike ng pinag dadaanan hinde niya ako sinuko, pero kahit ganun hinde ko nman gagawin ung ginawa ni mike dahil hinde ko lang makilala ung sarili ko, napakababaw ni mike, kung ganun siya hinde niya mahal si rowena, dahil ako handa akong kilalanin ung sarili ko kasama ung taong mahal na mahal ko.

rowena's pov

"iintayin pa din kita, kahit gano yan katagal mike mag iintay ako" parang unti unting napupunit ung puso ko sa bawat salita na lumalabas sa bibig ko, alam kong kaya kong mag intay kay mike kasi totoong mahal ko siya, pero ang nag papasakit lang sa puso ko ung thought na walang kasiguraduhan na pag nahanap na niya ung sarili niya ay babalik na siya sakin

"tara baby kain tayo" pinahiran ko ung luha ko tapos pinilit ko ung sarili ko maging masigla sa harapan ni mike, aalis na siya tangap ko na un, ano man dahilan niya bakit ayaw na niya sakin iintindihin ko un kahit pa hinde ko malaman ung dahilan, mahal ko si mike at wala na akong ibang nakikitang mali dun, walang bakit at pano bsta mahal ko lang siya

"i need to go..." alam kong may sasabihin pa si mike pero hinatak ko na lang siya papunta dun sa nag titinda ng scramble, sabi kasi nila malamig daw ung pinaka best na kainin pag masama ung loob mo e, ice cream sana kaso wala nman akong makita

"oi oi oi pwede ka ba diyan" napahinto ako sa pag higop ko nung scramble nung hinawakan ni mike ung braso ko

"ayieeeeeeeeeeeeeee concern ka?!! mahal mo pa ako noh?! wahahaha mahal mo pa ako aminin mo na kasi ang arte pa e" kita ko sa muka ni mike ung pamumula niya, ang dami kasing tao na nakarinig sa sinabi ko, ung iba nga biglang nag bulungan 

"sus ang ingay mo" sabi ni mike sabay talikod sakin, kung eto na ung huling araw na kasama ko siya, pwes hinde to magiging malungkot, sisiguraduhin ko na masaya to! sisiguraduhin ko na hinde niya to makakalimutan, para maalala niyang bumalik sakin, kasi handa talga akong mag intay sa knya

"mike pag tapos ng sunset na tayo umuwi ah? gusto ko ksi yan makita kahit last time na kasama ka" halos pabulongkong sabi kay mike, sa totoo lang ung love story namin pwede ko palang ikumpara sa sunset kasi maganda pag tinatanaw mo na lumilitaw siya, tapos kahit gano pa kaganda ung lubog niya, hinde mo mapipigilan lulubog at lulubog pa din siya

para akong mabibingi sa katahimikan namin ni mike, gustong gusto ko siyang kulitin pero merong bahagi sa puso ko na pumipigil sakin at sinasabi sakin na intayin ko na lang matapos na to.

madalas kong nahuhuli si mike na nakatingin sakin, pero kada ngingitian ko siya iniwas niya ung tingin niya sakin, kagaya ko kaya siya ng nararamdaman? masakit din ba sakanya ung pag lubog ng araw?

"hawakan mo ung kamay ko sanggol, tapos pikit ka" ginawa ko na lang ung sabi ni mike sakin, ang lamig ng kamay niya, gusto ko sana makita ung sunset pero dahil sabi ni mike na ipikit ko ung mata ko gagawin ko un para hinde na din niya makita na umiiyak ako, hahayaan ko na lang makita niya ung luha na pumapatak sa mga pisngi ko

"mamis........." isang malambot na labi ung nag padilat sakin ulit, labi ni mike na nakalapat sa labi ko, gusto ng kamay ko na akapin siya pero pinigilan ko, ayoko siyang akapin baka hinde ko na siya pakawalan, sa halik niyang to alam ko ramdam ko na babalik siya pag nakita na niya ung hinahanap niya, ramdam ko ung pagmamahal kahit pa sandaling halik lang un

kahit wala na si mike sa harapan ko, kahit wala na din ung araw at puo stars na lang ung nakikita ko, okey lang dito muna ako, alam ko kasi na babalikan ko tong lugar na to palagi, dito ko iintayion ung mike na mahal ko, ung imperfect ideal man ko....

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- next ud will be mike's pov hahahaha at pag tapos ng pov ni mike ung next na ud ay ending na po... salamat po ng marami sa pag papasensya sa tagal ng updates ko,, sorry kasi nag aaral na po ako, sorry po kung o.a sorry po talga..

salamat sa lahat ng nag sasabi na maganda ung story ko kahit alam ko nman na wild imagiunation ko lang to, salamat kasi pinaramdam niyo sakin ung worth ko bilang writer kahit na di ko matawag na writer ung sarili ko,, salamat po talga.....

my imperfect ideal manTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon