chapter 63

13.4K 147 83
                                    

pasensya na po kayo kung matagal ung updates ko sorry po nag iisip na po kasi ako na tapusin tong story na to at binabasa ko po ulit siya sorry po talga.... 

chapter 63

rowena's pov

O_O ako yan ng bigla akong tinulak palayo ni mike, kala ko kasi okey na, hindi nman niya ako liligtas sa mga lalaki na un kung hindi siya nag aalala sakin diba? at higit sa lahat malayo to sa bahay nila kaya napaka imposible na napadaan lang siya at nakita niya ako

"wag kang tatanga tanga! pasalamat ka nasira ung sasakyan ko kaya nakita kita" sabi yan sakin ni mike na mehalong galit ung tono ng boses niya, tapos bigla na siyang tumalikod sakin

"iiwan mo ako mag isa dito? di ako aalis iintayin kong mapahamak ulit ako" napangiti ako nung biglang huminto si mike sa pag lalakad niya, ung puso ko parang gusto ng lumabas sa katawan ko, para kasing sinasabi sakin na mahal pa ako ni mike, ayaw niya akong mapahamak

"kailangan mo ng pag aralan mag isa rowena, kasi hindi na ako ung mike na hahabulin ka ulit, hindi na ako ung mike na kayang gawin lahat para sayo, ako si jan micheal quiambao imperfect ideal man ng lahat"

"pag aralan mo ng wala ako sa mundo mo" sabi ni mike at tulyan na siyang umalis

para akong naistatwa sa sinabi ni mike, gustong gusto ng paa ko na habulin siya pero parang nawalan ng lakas lahat ng meron ako sa katawan, kung masakit ung pagtangi niya sa lahat ng binibigay ko at pag papahiya niya sakin sa maraming tao, mas masakit sakin ngayon dahil alam ko, nag sawa na siya, sa unang pagkakataon naramdaman ko na hindi na ako mahal ni mike, para niya akong sinaksak sa sinabi niya, sana lang hindi na niya ako niligtas, sana namatay na lang ako.

ivy's pov

"tol nman kain ka na, sabi ni tita kahapon ka pa daw di kumakain, ang taas pa ng lagnat mo, pano ka gagaling kung hindi ka kakain" inis kong sabi kay rowena, ilang araw na daw kasing my sakit si rowena pero hindi daw kumakain, kung hindi nga lang daw nasigawan ni kuya roy si rowena malamang daw hindi  nila napigilan pumasok sa school si rowena

"tol alam na ba ni mike na my sakit ako? anong sabi niya? nag alala ba siya?" iniwas ko ung tingin ko kay rowena para hindi niya makita sa mata ko na halos nagmakaawa na kami ni kurt kay mike para lang dalawin siya pero kahit anong gawin namin wala kaming napala ni kurt

"kumain ka muna" sabi ko habang inaabot ko ung lugaw na niluto ni tita para kay rowena

"tol di ko kaya, hindi talga" inakap ko na lang si rowena ng bigla siyang nag iiyak sa harapan ko, awang awa ako sa kaibigan ko pero hindi ko nman alam kung pano ko siya tutulungan, ayoko nman sabihin sa kanya na mahal pa siya ni mike kung hindi nman ako sigurado na mahal pa talaga siya ni mike, sabi kasi sakin ni kurt siya din daw mismo hindi maintindihan sa pag babago ni mike kay rowena

"tama na tol tama na" di ko na napigilan ung iyak ko dahil sa awa ko sa itchura ni rowena, para siyang bata na inagawan mo ng paborito niyang laruan, parang huminto na ung mundo niya nung nawala si mike, kahit hindi ko pa nararamdaman ung sitwasyon ni rowena ngayon alam kong masakit un

6pm na nung umalis ako sa bahay nila rowena, napakain ko nman siya kahit halos 3ng subo lang lugaw ung nakain niya, sinuka pa nga niya ung iba sa kakaiyak niya, magang maga na din ung mata niya, nag aalala na nga daw ung parents niya pero kahit ano nman daw tanong nila kay rowena kung anong ngyari wala daw sinasabi sa kanila si rowena.

ayoko nman manguna kay rowena sa pag kwento sa perents niya kaya hindi na dina ko nag salita

"mike!!!" lumapit ako kay mike nung nakita ko siyang nag yoyosi sa labas ng bahay nila, sindya ko talaga siyang puntahan dito para makausap, gusto kong malaman lahat, kung kinakailangan lumuhod ako sa harapan niya gagawin ko

my imperfect ideal manTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon