chapter 47

16.9K 131 44
                                    

chapter 47

mike's pov

nung kinakantahan ko si rowena kanina hindi ko napigilan na wag umiyak, pakiramdam ko kasi lahat na lang ng ginagawa ko puro mali, gustong gusto ko mapasaya si rowena pero bandang huli magagalit siya sakin dahil palpak lahat ng plano ko, alam ko nman na imperfect ako pero bkit parang ipinamumuka pa sakin ng tadhana na kahit na anong gawin ko hinding hindi ako magiging perfect para kay rowena.

"bilisan niyo dali at baba na si rowena" utos ko yan sa mga tauhan ni mama sa taniman nya ng magga, sa totoo lang hindi nman to surprise kay rowena, ganito lang talga samin pag dadating kami ni mama, my pag titipon, ginawa ko lang spesyal ng konti dahil nga malaki ung kasalanan ko kay rowena...

"orrys?" pagtatakang tanong sakin ni rowena, nung tinignan ko ung mga bata na inutusan ko na itaas ung mga cardboard na hawak nila napakamot na lang ako sa ulo ko kasi nman napunta sa hulihan ung S

"sorry sana yan, hays palpak na nman ako" nakayuko kong sabi kay rowena, nakakainis kahit simpleng cardboard nalang hindi ko pa magawa ng tama

"sir mike tara na po sa kanila, sabik na po silang makilala ung mapapangasawa mo" nginitian ko na lang si ka-andoy at hinatak ko si rowena sa mga tauhan namin na nag sisimula ng magkainan at inuman...

pinakilala ko si rowena sa lahat ng tao ngayon dito sa labas ng bahay namin, sa totoo lang gusto ko din dati ipakilala o ipakita kay mia tong lugar na to dati kaso ayaw daw niya makasama ung mga ordinaryong tao, naisip ko nga nun baka my super powers siya kaya ang tawag niya sa mga tauhan namin ordinaryong tao,,

"sanggol para kang battery" nakangiti kong tanong kay rowena habang kumakain kami kaharap ng ibang mga anak ng tauhan ni mama

"bakit?" 

"di kasi ako gumagana pag wala ka boom!"

rowena's pov

"di kasi ako gumagana pag wala ka boom!" di ko alam kung matutuwa ako o maasar kay mike dahil kanina pa siya nag pipick up lines sakin, nakakakilig oo pero nakakaasar dahil ang corni >_< tpos kung babanat pa sakin kala mo ako lang nakakarinig sa kanya..

"pag hindi mo tinigilan yan, sasamain ka sakin micheal" mahina kong sabi para hindi marinig nung mga kaharap namin,

"sige last na to" sabi nman ni mike habang winawagay way ung kamay niya para makinig ung ibang kasama namin sa lamesa >_< pag to pangit sasamain na talaga siya, nakakahiya na kaya >_<

my imperfect ideal manWhere stories live. Discover now