chapter 67

11K 128 55
                                    

chapter 67

rowena's pov

"mike" halos pabulong kong sabi, di ako makapaniwala na andito kasi siya sa harapan ko ngayon, gusto kong isipin na kaya siya andito para ayusin lahat samin, pero hinde ganun ung nakikita ko sa mga mata niya, parang sinasabi sakin na titigan ko na un dahil ayun na ung huling araw na nakatitig ung mga mata na yun sakin

"lets go" kahit hinde ko alam kung asaan ako dadalin ni mike sumama na lang ako, kahit ito na ung huli hahayaan ko ung sarili ko na kasama siya, hinde ko na rin nman na raramdaman na mahal pa ako ni mike, matagal ko na siguro un alam, ayaw lang tangapin ng puso ko, madalas ko nman iniisip na baka nga ako na ung pumipigil kay mike na maging masaya

"s---saan tayo mike" mautal utal kong sabi habang asa sasakyan kami ni mike, ang tahimik kasi niya, at kahit isang tingin hinde na ulit niya ko tinignan nakatutok lang ung mga mata niya sa daan

"kung saan pwede tayo mag usap, para matapos na" parang piniga ung puso ko sa sinabi ni mike sakin, matapos na? ang alin? tapos na nman kami dba? o gusto niyang tapusin ung pag asa ko na pwede pa kami? bakit ganun kahit alam ko na at ramdam ko na eto ung gusto ni mike ang sakit pala pag narinig mo na mismo sa bibig niya

pinilit kong maging kalmado habang asa byahe kami, kahit ang dami kong tanong, mas pinilit ko na wag na lang mag salita, baka kasi pag sinubukan kong mag tanong gawin lang ulit ni mike ung mga ginagawa niyang pag taboy sakin dati, kung eto na ung final goodbye nmin dalawa, sisiguraduhin ko na lang na magiging the best goodbyes niya eto, para na din sa sarili ko

"hahahahahaha huhulihin ba natin ulit ung mga talangka mike?" pag bibiro ko nung makarating kami sa beach kung saan namin pinanuod ung sunset dati, kagaya din nung unang punta namin dito, mukang aabutan na nman namin ung sunset

"ikaw muna si rowena ko, then ill be your mike for this day pwede ba un?" parang huminto ung mundo ko nung nakita ko ulit ung ngiti ni mike na alam kong para sakin lang, ung hawak niya sa kamay ko ramdam na ramdam ko pa din ung kuryente, gusto kong mag wala gusto kong sabihin na kahit forever pa pwede niya akong maging si rowena

"arayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!" sigaw ko yan ng bigla akong binato ni mike ng buhangin tapos bigla siyang tumkbo,, sana.. sana...sana.... hinde na to matapos ayan ung tumatakbo sa isip ko ngayon, kahit kasi anong gawin ko,kahit anong daya ang gawin ko sa puso ko nararamdman ko pa din na eto na ung huli

"kapal ng muka mo ah! pag nahabol kita papatayin kita" isang malalim na hininga muna ung pinakawalan ko bago ko hinabol si mike na parang bata na na nag tatakbo sa beach, parang dati lang wala siyang pakielam kung anong iisipin ng mga tao sa kanya, ayan ung mike na minahal ko, ayan ung mike na alam ko na hahanap hanapin ko pag tuluyan na siyang nawala

ramdam na ramdam ko ung pagod ko pero ayokong huminto sa pag habol kay mike, gusto kong patunayan sa kanya na kaya ko, kahit suko na ung katawan ko kakayanin ko, kung eto na ba ung huli gusto kong iparamdam sa kanya na binigay ko lahat ng meron ako, para sana kahit papano maging magandang alala ako sa kanya

my imperfect ideal manTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon