Chapter 8

9 0 0
                                    

- ^_^ Sa parteng ito, kilalanin natin ang mga character sa kwento ni Stain. Enjoy! ^_^ - 

“Stain!!” Teka, ano ba yun? May narinig syang kumalampag. “Stain Mackim, better get up or you’ll be late!” Ay, ano ba yan, si Mama pala ang sigaw ng sigaw sa labas. Tsk, ano bang malalate ang sinasabi nya eh di naman ako pumapasok sa trabaho at lalo na sa eskwelahan. Alam mo kung bakit, syempre, gwapo, wala ng aral-aral. ^o^

“Stainy baby” Wala pang isang segundo eh napasimangot ako. Ano ba naman ito si Mama, badtrip. Tumayo ako at binuksan ang pinto. “Mama, ano ba?” pupungas-pungas kong sabi sa kanya. “Ano ba sinasabi mo? Saan ako malalate?”

“Iho, you’re so forgetful. Di ba, naayos na namin ang lahat. Kaya ngayong sem, babalik ka na uli sa pag-aaral kaya ngayon sem--” nagseryoso ang mukha nya. Papatayin ata ako kapag di sinunod ang sinabi nya. “Magtino ka na hah. Tapusin mo na ang klaseng ito. Oh sya, mag-ayos ka na at bumaba para sa almusal.” Ngumiti at tumalikod.

Ibang klase talaga si Mama oh, dito ata ako nagmana ng pagkamisteryoso. Hehehe. Inayos ko na ang aking sarili at naghanda na para sa eskwela. Pagkababa ko ay andun na si Mama at Papa. “Good morning Ma and Pa”

“Good morning iho” sabi ng Papa nya habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Mama. Awww, sana ganito din ako pagtanda. Ahemm, sa Papa naman ako nagmana ng kagandahang asal at syempre, kagandahang lalaki. Hahahaha.

“Oo nga po pala Pa, sigurado ba kayo na sa U.P ako babalik?” nagtataka nyang tanong. “Di ba kick-out na ko dun?”

“Stain, oo nga, pero dalawang taon na iyon nangyari at alam ko na gusto mo doon ipagpatuloy ang pag-aaral ng I.T mo.” Sabi ng maluluha na ata nyang ina. “Kaya ginawan na namin ng paraan at take note, we never out some money to bribe, there were people who still wants you to be there.” And then she smiles proudly.

Wala na kong nagawa, I want my dreams to be come true not only for myself but for the people who loves me. Napailing na lang ko sa mga napag-iisip ng utak ko. “Wow Pa, the best talaga luto mo.” Puri ko sa luto ng Papa ko. By the way, he’s Chef Stanley Mackim, owner of some restaurants here in Manila and the main was named as Staniag House of Taste. Why Staniag? Came from Stanley and Gail, my parent’s name. Bakit walang nakasaling pangalan ko, ewan, baka di pa ko napapanganak.

“Oh sya, tapusin muna iyang pagkain mo.” Sabi ni Mama. Tinapos ko naman agad ito at nagmadali ng sumakay sa kotse ko. “Oh Iho, ingat sa pagmamaneho at oo nga pala, ito schedule mo.” Sabay ng papel sa akin. “Thank you so much Ma.” Sabay halik sa pisngi nito at nagpaalam na.

Swerte talaga sya sa mga magulang nya, pero kung may kapatid ba sya, magiging ganito ba sila sa akin? Oo, nag-iisang anak lang ako ng mga Mackim, ewan ko ba ba’t di ako nasundan. Hehehe. Pero alam ko naman na kahit anong mangyari, sila ang mapagmahal kong mga magulang.

Tiningnan ko ang aking schedule at ano ito, wala ba kong vacant? Parang ayaw ako pagpahingain ni Mama ah, pati ata advance subject eh kinuha nya. Tsk, unang schedule, 9am to 11am, I.T Practical and Organization. Wow, anong gagawin ko rito. Tiningnan niya ang relo, Oh shoot! 30 minutes na lang at malalate na ko. Binilisan nya ang pagmamaneho sa kotse – Bakit nagmamaneho na ko? Gwapo eh, hehehe, ito talaga, 19 years old na ko, natigil ako nung 2nd year college dahil sa isang gulo sa U.P na kinasangkutan ko at alam niyo na iyon di ba? Mabalik tayo sa kotse, pwede na kong magmaneho dahil nasa wastong edad na ko. Iyon lang. Hahaha. Buti na lang di masyadong traffic dito sa Katipunan, mga ilang minuto pa at nasa tapat na ko ng school.

Ibinaba ko ang bintana ng kotse at ipinakita sa guard ang school I.D ko. Parang nabigla pa ito pagkakita sa akin. “Mang Jose, di mo lang ba ko iwewelcome?” tanong ko rito na nakangiti pa. Si Mang Jose ang mga isang mapagkakatiwalaang guard sa eskwelahang ito at isa sa mga kaibigan ko. “Sir Stain, welcome back po. Pahug!!” akmang ihuhug ako ng ngitian ko sya na nagsasabing, “subukan mo lang” at ngingiti-ngiti itong napakamot. “Kayo talaga Sir, di na mabiro. Akala ko ho, wala na talaga kayong balikan rito. Andaming nakamiss sa inyo rito.” Tsaka binalik sa kanya ang I.D. “Ganun ho ba? Grabe, iba na talaga pag gwapo noh Mang Jose, kahit matagal ng wala, kamiss-miss pa rin.” Sabay pa kaming natawa sa sinabi ko. “Sige po, aalis na ko. Malalate na po ako eh.” Sabay saludo rito.

Isang Linggong Pag-Ibig Version 2.0 to the nth powerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon