Chapter 3

23 0 0
                                    

Sabado, kahit wala silang schedule ng araw na iyon,pumasok sya para mag-aral sa library. 9am eh andun na sya. Naghanap ng mga librong makakatulong sa kanyang pagrereview. Maayos na sana ang kanyang pagrereview ng makita nya ang 95% na nasa libro. Haist, nananadya ka ba? Napangalumbaba sya sa mesa habang hawak pa din ang libro. Paano ba kita makukuha? Hindi naman ako genius para makuha ka ng ganun-ganun na lang. Naalala din nya si Stain. Isa pang lalaking iyon, haist, kanina, may nagtaas na naman sa kanya ng mga kilay. Grabe! Napabuntunghininga sya ng malalim nang biglang may umupo sa harap nya. Kahit di nya ito tingnan eh amoy pa lang eh ang lalaking nasa isip nya iyon ngayon.

"Good morning Gorgeous Gain. Sabi ko na nga ba. Ikaw yung nakita ko kanina. Kanina ka pa rito?" tanong nito. Di nya ito pinansin. Itinutok nya lang ang mga mata sa libro.

"Hey, are you there? Nagcoconcentrate ka ba sa pagbabasa o natutulog na?" pabiro pa nitong sabi. Di pa rin nya ito inintindi, natimingan nitong wala sya sa mood magsalita, kahit pilitin man nya eh parang pagod na pagod na sya.

"May sakit ka ba? Kahapon lang okay tayo, bakit ngayon parang wala ka huwisyo?" Tinabig nya ng mahina ang kamay nito ng akmang sasalatin sya. Nabigla ito, mas lalo na sya pero ibinalik nya uli sa libro ang tingin nya para di rin nito makita ang espreksyon ng kanyang mga mata.

"Ahm, okay." Nakita nyang nagsusulat ito sa notebook, the same notebook na andun nakasulat ang mga tula ng pagmamahal kuno nito sa kanya. Nabasa na din nya ang ibang nakasulat dun dahil yun ang ginawa nitong communication para magkausap sila. Sa unahang papel ito nagsusulat habang sya ay sa hulihan naman. Paabante sya, paatras naman ako. Inilagay nito ang notebook sa unahan ng kanyang libro. Ang nakasulat ay, -Please- , paulit ulit na isinulat, -Just answer me and i'll leave. I hate seeing you like that.- kinuha nya ang notebook at may isinulat. Inaabot nya ito rito para basahin. -Just leave. I want a space and focus on what I'm aiming here for. Please- Nagsulat uli ito sa notebook. Binasa nya uli iyon. Malaking -I love you- ang nakalagay dun. Binigay nya uli ang notebook dito na walang sagot sa sinulat nito.

"Aalis na ko." Bagsak ang mga balikat nitong umalis. Haist, ano naman bang katangahan ang ginawa ko. Aargh! Nagpatuloy na lang sya pagrereview. Ilang oras ang lumipas, may lumapit sa kanyang lalaki, may mga librong dala-dala. Nakilala nya ito, si BoyJ na buntot din ni Stain pag di sila magkasama.

"Hello. Ito nga pala, mga libro, makakatulong sa pagrereview mo." Ngumiti ito. May itsura din ito, may pagkahapon at ang ganda ng smile pero ang alam nya si ate Filspa ang nililigawan nito. Minsan mahilig din ako sa tsismis. Hehehe

 

"Ahm, hehe, salamat BoyJ ah.."

"Yup. At wag ka sa'kin magpasalamat kundi kay Stain." sabay turo sa mesa kung saan ito naroroon at iba pa nilang kaklase. Kaya pala kanina pa nya nararamdaman na may nakatingin sa kanya, andun pala ito at di lumabas ng library. Lumingon ito bigla kaya agad syang nagbawi ng tingin. "Pakisabi, salamat."

"Okay. Ang swerte mo sa lalaking iyon, maalaga na, maalalahanin na at mahal na mahal ka. Hehe" pag mamalaki nito kay Stain.

"Inutusan lang naman kitang ibigay ang libro sa kanya ah, wala naman akong sinabing ilakad mo pa ko." Nagulat sila ni BoyJ ng bigla itong sumulpot.

"May isa pa pala. At seloso. Haha. Bye." mabilis itong tumalilis.

Isang Linggong Pag-Ibig Version 2.0 to the nth powerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon