Chapter 1

73 0 0
                                    

Any events, names or places related to this story are purely coincidental. This is only the outcome of my crazy imagination. ^_^

Please bear with my grammars, spelling and mga patawang-kalbo. xD

©CataleyaAster

U.P o Univ. of the Philippines, narito kami sa paaralan ng mga skolar para sa limang araw na review at pagkatapos nun ay examination para alamin kung sinu-sino ang mga makakapasok sa paaralang iyon..Bawat sampu sa amin ay papasok sa isang seksyon kung saan iyon ang kursong kukunin namin. Dahil I.T ang gusto ko eh doon kami mapupunta ng iba ko pang kasamahan na I.T din ang kukuning kurso. Bago kami pumasok sa room namin eh dumaan muna kami sa gym kung saan may mga nagpapaligsahan, nagroroleplay at kung anu anu pa. Di ko maintindihan yung iba. Puro namin kasi patawa kaya ayun tawa kami ng tawa..Narinig kong nagsalita ang Prof na gumagabay sa amin..

"Yan ang mga magiging kaklase nyo pansamantala at pangmatagalan pagnakapasa kayo."

"Hah?" Bigla kaming napatigil sa pagtawa at nagsipagngiwian. Mga baliw pala kaklase namin.

Bigla akong natigil na parang ewan, parang may nakatingin sa akin o feeling ko lang iyon. Sa laki kong ito,syempre, dami titingin sa akin at sa amin. Napatda ako ng magsalita uli ang Prof namin..

"Okay, let's go to your room."

Sumunod na kami sa kanya. Napakalawak ng eskwelahan. Di ko inaasahan na ang ipinapakita sa T.V ay halos 20% lang ng nakikita nya. Naramdaman kung tumigil kami. Tumingin ako sa tinigilan naming. Isang room, tama lang siguro para sa mga 40 na estudyante. Pagkapasok namin, ang lamig at ang daming computer..Biglang nabuhay ang dugo nya at nag-imagine na sa bawat ipagawa ng teacher na program ay makakalikha sya ng isang functional na program. Natigil ako ng may mag-good morning. Haist, tumingin ako sa harap ko, mangilan-ngilan lang ang estudyante. Ang iba ay tulog pa.

"Good morning!", sabi ng Prof namin.

"Good morning Sir." Sagot naman ng mga ito. Nagtataka ang mga mukha nito. Nagtatanong kung sino sila. Pumunta ang Prof. sa unahan at nagsalita.

"Class, sila pala ang mga pansamantala nyong kaklase. Andito sila para sa review at examination tulad ng ginawa nyo noon kaya maging mabait kayo sa kanila. Understand. Pumasok kayo rito at humanap ng mauupuan nyo."

“Opo” Sagot naman ng mga estudyante at kami ay humanap na din ng mga mauupuan.

Naupo ako sa bandang gilid na malapit sa harapan. Haist. Ano bang mangyayari sa amin dito, tanong ko naman sa aking sarili.

"Okay. Pasensya na kayo dahil ang ibang estudyante eh nakita nyo naman, na sa gym at gumagawa ng kakatawanan."

"Sir, for video film namin yun.", paliwanag naman ng isang estudyante na payat at kulot. Mukhang si Moose ng Step Up. Hehe, cute nya din pero hmpp, G, behave. Mag-aaral ka at hindi maghahanap ng lalaki. As if naman may papatol. Konsensya, ang harsh. Mabalik tayo sa Prof namin, may sinasabi na naman sya.

"Okay. If that's what you say. Iiwanan ko na sila rito. Kayo na bahala. Magbehave din kayo. Ok."

Isang Linggong Pag-Ibig Version 2.0 to the nth powerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon