Chapter 2

29 1 0
                                    

Friday, pang limang araw, kakapasok pa lang niya eh tutok na tutok na naman ang mga mata sa kanya ng mga estudyante. Ang sarap maglagay ng maskara para di na sya makilala. Haist.

"Wazzup! Hehe, you're like a star today! Oh rather, everyday!"

Pagpapacute na sabi nito. Ayan na naman po sya. Umakbay pa sa kanya na mabilis din naman niyang hinawi. "Bigla-bigla ka na lang sumusulpot. Tsaka, bakit ka ba nakasabay?"

"Bakit? Bawal. Pareho naman tayo ng pupuntahan ah. Hehe"

"Haist. Bahala ka. Mauuna na ko." binilisan nya ang paglalakad pero inabot nito ang kamay niya at mahigpit na hinawakan na di nya mahila-hila. Tiningnan nya ito ng masama pero nakangiti pa rin ito na parang wala lang. Wala na syang nagawa kung hindi magpaubaya.

"Haist. Yan, maglakad na lang tayo ng mahinahon."

Napangiti sya at napailing na lang. "Ewan ko sa iyo, baliw!"

"Your smile makes me happy."

"Ay bwisit!" natapilok sya. Buti na lang eh nahawakan sya nito.

"O-okay ka lang?"

May pag-alala ang mga mata nito. "Okay lang."

"Whahahahaha. Yan, lumulutang kasi yang isip mo."

"Ganun!" binatukan nya ito. "Walangya" haist, watta life.

Natapos ang araw na madami na naman syang natutunan. At madaming konsumisyon dahil sa pangungulit ni Stain sa kanya..Akala nya eh mapayapa lang matatapos ang araw niya pero di pala. May nagsabi sa kanyang pinapatawag sya sa guidance. Alam nya na kung bakit, dahil sa nangyari kahapon. Kinakabahan syang kumatok. Binuksan nya ang pinto nang marining nyan tumuloy na daw sya. Nakita nya ang lalaking pinagbuntunan nya ng galit kahapon at isang nasa mid-60's na lalaki. Mukhang ito ang sinasabi ni Stain. Nakakatakot nga. "Good afternoon sir."

"Good afternoon Ms. G. Take a seat." umupo sya at nakitang ngingisi-ngisi ang lalaki. Sarap uli bugbugin.

"Di na ko magpapaligoy-ligoy pa, this guy right here told me that he's punched and kicked by you young lady. So tell me, is it true?"

Napalunok sya. "Yes sir, but he's the one who started it. He just entered in the CR and sneaked on me. I know, before I entered the restroom, there's no one in there and that's girls’ restroom. What was he doing there? Of course, namboboso." pagtatanggol nya sa sarili.

"Pero tama bang saktan mo sya sa madaming estudyante?" sabi ng councilor.

"Hindi po."

"Haist, you're not still a student here pero may record ka na agad."

"I'm sorry Sir." Paghingi nya ng tawad dito hindi dahil nambugbug sya kundi sa oras na ito ay baka mapatalsik sya.

Isang Linggong Pag-Ibig Version 2.0 to the nth powerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon