Chapter 6

31 0 0
                                    

"Hah?" inikot nya ang mga mata. Oo nga, isang napakalaki at napakagandang bahay ang tumambad sa kanya. "Ba't tayo narito?"

"I want you to meet my parents and para makapagrelax tayo dito ng husto." ngumiti ito.

"No.." nabigla sya sa pagsigaw pero. ."no".

"Why? Kinakabahan ka ba? Mababait sila."

"Pero.." napalunok sya.

"Please. G.. I ca--, can't live without you." Niyakap sya nito. "Stain.." May narinig syang tumikhim kaya't lumingon sila pareho..

"Ma, Pa" Tumingin sa kanya si Stain at ngumiti. Hinila sya at lumapit sa mga magulang nito.

"Mama, Papa, I want you to meet my lovely girlfriend, G." Siniko nya ito dahil sa pagpapakilala nito sa kanya ng ganun sa mga magulang nito. "Ahm, good evening po Ma'am, Sir." Tiningnan nya si Stain, ngiting ngiti ito.

"Good evening hija. Call me tita." Sabi nito, hindi halata ang edad nito dahil parang laging nakangiti ang mga mata. Malaki din ito ng konti. Maputi at simple lang mag-ayos pero mahahalatang galing sa magandang pamilya.

"Or Mama" rinig nyang dugtong ni Stain. Tinitigan nya ito ng mariin..Nakakahiya.

"Good evening din hija. Hay naku,pasensya na sa kakulitan ng anak ko. Papa na lang ang itawag mo sakin." Nahihiyang ngumiti sya. Matangkad din ito at mukhang old version ni Stain except the eyes.

"Isa ka pa Stanley. Pag pasensyahan muna hija. Mana mana lang kasi." Siguro kong titingnan nya sarili nya ngayon, pulang pula na.

"Naku, tara na pumasok para kumain." Nauna na itong mga pumasok.

"Tara G? G.." untag sa kanya ni Stain. Napalunok na naman sya. Hindi sya makagalaw sa kinatatayuan nya. Huminga muna sya ng malalim. "Tara" Nasa hapag-kainan na sila para kumain ng biglang magtanong ang mama ni Stain.

"Hijo, kumusta ang araw nyo?"

"Worst, sasabihin ko mamaya pagkatapos natin kumain Ma. Ayokong masira ang pagkain natin." Tumingin sa kanya si Stain.

"Diet ka ba?"

"Hah?" ba’t parang wala sya sarili ngayon. Inaantok pa ata sya.

"Alam mo ba iyong pinagdalhan ko sayong restaurant? Nasabi ko sayong amin iyon pero alam mo ba, lahat ng recipes dun ay gawa ko at ni papa. At itong kinakain natin ngayon ay luto ni Papa." Tuwang-tuwang sabi nito.

"Ah" tumingin ito sa kanya ng nakakunot noo nang iyon lang ang nasabi nya.

"Okay ka lang?"

"Masarap." tumingin sya sa papa nito. "Kaya ho pala madami nakakain ko dahil kayo ang gumawa. Ang swerte ko naman." ngumiti sya.

Isang Linggong Pag-Ibig Version 2.0 to the nth powerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon