Chapter 21: We never ever getting back together

6.6K 203 32
                                    

 [A/N: Dedicate ko sa kanya 'tong chapter kasi naalala ko siya pati ang story niyang Deal breaker. Basahin niyo rin. Maganda. Promise! Hello ate Swirly! *kaway kaway*]


Chapter 21: We never ever getting back together


(Karl Darren's POV)


"Oh, there you are. Darren meet my fiancee, Jayden Alcantara." masayang pakilala niya sa tinatawag niyang 'fiancee'.


When our eyes met, as if everything's revolving on us like we're in the middle of tornado. I don't like the feeling so, I've decided to be part on the tornado. I avoid his gaze and left him in that tornado like what I did few weeks ago.


I tried to clear my mind and let it blank just for second but I failed. There this little hole that memories are trying to get in and it succeed. All the memories and feelings are invading my system and I'm afraid I can't control them.


Lumapit ako sa kanila dala dala ang emosyong itinago ko na at dahil sa pangyayaring ito, unti unti itong lumalabas sa pinagtaguan ko sa ikailaliman ng puso ko. Bawat hakbang papalapit sa kanila ay isang malaking kalbaryo sa pagkatao ko.


All I can do is to look fine and deny the fact that I am with my former bestfriend. I don't want to ruin things and just get my ass away with these people.


Feeling ko nga, para akong tanga dito sa harap nila at nakangiti na nagsasabing masaya akong nakilala kita. Yeah, masaya akong nakilala ko siya noon pero hindi ako masayang nagkita ulit kami. Lalo pa't may fiancee na siya at mukhang masaya na siyang wala ako. Gusto kong sabihin na hindi ako nasasaktan at masayang ako para sa inyo. Kasi magsisinungaling lang ako sa sarili. The fact that you're together, I'm starting to feel feel the pain, again.


"Jayden, meet Darren, my co-model." Naomi introduces his fiancee to me. Kung alam mo lang na magkakilala na kami noong panahong wala ka pa. Ngumiti ako ng pilit sa kanya at ipakitang ngayon lang kami nagkakilala. At sana, gano'n din siya.


"Nice to meet you." sabi ni Jayden at nilahad niya yung kamay niya sa'kin. Ito ang gusto ko pero ba't parang may parteng nadurog sa 'kin nang sabihin niya ang salita 'yon. Simpleng mga salita pero tumatarak sa puso ko.


"Yeah." isang salita lang ang nasabi ko at ayoko ng dagdagan pa. Binaling ko ang tingin kay Naomi. "I excuse myself. I'll just change." Binigay ko ang bag ni Baldo at hindi na 'ko nag-abalang hintayin pa yung pagsang-ayon nila.


Sumasakit na yung mga mata ko sa kakatitig sa kanila. Dapat maging masaya ako sa ganitong pagkakataon dahil nakahanap na siya ng taong seseryosohin niya, maging masaya ako nahanap niya yung taong para sa kanya at mukhang bagay na bagay sila sa isa't-isa. Pero hindi. Hindi ko makuhang maging masaya at nakakadagdag lang sa emosyong nararamdaman ko ang isiping 'yon.


Humanap ako ng mas malayong comfort room. Pagkapasok ko, agad kong ni-lock para walang sino man ang makapasok. I face myself at the mirror and I saw a man who looks pathetic and drown in jealousy. Selos na selos ako at hindi ko mapagkakailang wala akong naramdamang kaba nang makita ko siya.

Pare, Mahal mo raw ako (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon