Chapter 27: Haunted by Past

6.5K 169 16
                                    

A/N: SORRY! Matagal akong nawala. Tinamad ako sa pagsusulat at unti unting bumabangon. Tae! Drama lang? Pero srsly, sorry talaga. Maikli lang 'tong chapter na 'to at sana makapag-update ulit ako ngayong week. May draft na 'ko sa next chapter hopefully, matapos ko. Maraming salamat sa paghihintay nang bonggang bongga. Sana suportohan mo pa rin. Oo! Ikaw na nagbabasa nito. Salamat! Mahal ko kayo! :*



Chapter 27: Haunted by Past


(Karl Darren's POV)


                SA sandaling iyon, wala akong maisip kundi si mommy. Wala akong naririnig bukod sa mabilis na tibok ng puso ko. Nangingig ang mga kamay kong hawak ang cellphone na nakalagay pa rin sa tainga ko.


                "Darren, is everything alright?" wala sa sariling napatingin ako kay Baldo.


                "A-h? A-ano yon?" nauutal kong tanong.


                "Sabi ko, okay ka lang?" nagtatakang tanong nito.


                "Oo." pilit na ngiting sabi ko. "I have to go, Tita Sole, Baldo." agad akong tumayo.


                "Why so early, hijo?" tanong ni Tita Sole.


                "I have to go somewhere. Urgent." sagot ako.


                Ayokong ng i-detailed pa. Ayokong masira ang momentum na meron silang mag-ina ngayon. Magiging sagabal lang ako kung magsasabi ako. Ngayon lang sila ulit makita at ayokong mag-alala pa sila sa'kin.


                "Goodbye, Tita." I bid goodbye and kiss her on her cheek. I try to hold back my tears. Ngayon pa lang na nakikita ko si Tita Sole, it reminds me of my mom suffering and I can't help but to worried too much.


                "Baby, hatid mo na si Darren." nakangiting utos pa nito sa anak.


                "It's okay. I can handle myself." trying to sound cool.


                Nagtataka nakatingin lang sa'kin si Baldo. Ngumiti lang ako sa kanya. Assurance na I'm okay, where in fact, I'm not and I'm freakng worried.


                Naglakad na ako palabas ng bahay nila at sumunod siya sa'kin.


                "Sabi ko okay lang. Kaya ko naman eh." nakangiting sabi ko.


                "May okay bang nagtutubig ang mata?" kasabay no'n ang pagtulo ng luha ko na kanina kong pang pinipigilan. Lumapit siya sa''kin at pinusan gamit ang hinlalaki niya.


                "Sabing okay lang ako e." hirap na sambit kahit alam naman naming dalawa na hindi ako maayos, na niloloko ko lang ang sarili ko. Pero gusto kong isipin na ayos lang, na walang problema pero hindi kami magkaibigan ng tadhana dahil may masamang nangayri kay Mommy.

Pare, Mahal mo raw ako (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon