Chapter 10: Throwback (part II)

7.6K 203 14
                                    

Chapter 10: Throwback (part II)

 

[WARNING: May make out/BS, whatsoever na mangyayari. Wag na ituloy kung minor ka. Hindi naman makakaapekto ‘to sa flow ng story kaya next chapter ka na lang.]

 

(Baldo’s POV)

Ilang araw na ang nakalipas simula nung nagkrus ang landas namin ni Darren. Inaasahan ko nang may darating na bisita nung panahon na ‘yon si Tita Sandy ( ‘yon daw ang itawag sa kanya) kaya pinaayos niya sa’kin yung ilaw at ilang mga sira sa gagawing kwarto ng pamangkin niya.

Bumaba na’ko at nakita kong mag-isa lang siya. Syempre, maloko akong tao, pinagtripan ko siya. Nakita ko ang kabuuan niya, lalaking lalaki at mas lalo kong nakita ang kagwapuhan niya ng nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Na-attract ako bilang isang Bisexual ako.

Doon ko rin pinaniwalaan na Bi nga siya. Dahil hindi niya ako nagawang suntukin at namula siya sa ginagawa kong kalokohan. Lalo na nung kunwaring hahalikan ko siya, pumikit pa siya. Pero kating kati na ko nung panahon na ‘yon na halikan siya dahil sa pink lips niya. Lalo na yung boses niya kapag nagmumura, nakakapang-init ng katawan. Gusto ko na nga siyang halayin ng panahon na ‘yon dahil ang inosente siya mundo ng third sex.

Nakwento na rin kasi sa’kin ni Tita Sandy ang sitwasyon ng pamangkin niya dahil alam daw niyang ako ang makakatulong sa kanya. Alam rin kasi ni Tita na Sandy na Bisexual ako. Narinig niya kasing nagtatalo kami ng kapatid ko tungkol sa pagiging Bi ko. Syempre, kapitbahay ko siya, narinig niya lahat. At tanggap naman niya basta’t wag daw akong magbibihis babae dahil hindi daw bagay.

Few years ago lang nung malaman kong Bisexual ako. 18 ako nung time na ‘yon at may nag-alok sa’kin maging part time model. Maganda daw ang kulay ko at may foreign blood kaya bagay daw akong magmodel.  Tinanggap ko ‘yon without consent from my parents, wala naman silang pake kung anong gawin ko sa buhay.

Habang nag-aaral bilang HRM student, nagpapart time modeling ako. Maraming kumukuha sa’kin na agencies dahil na rin sa magandang feed back sa’kin noong nagsimula ako. Sumabak agad ako sa pagpapasexy pero nung panahon na ‘yon, laging topless lang sa mga billboards at print ads.

Hanggang isang taon ang lumipas, sumabak na rin ako sa pagmomodel ng underwear dahil baka daw wala nang tumanggap ng puro topless lang ang pinapakita, sabi ng manager ko. Kaya um-oo ako dahil nagustuhan ko na ang pagiging model. Mas lalo akong nakilala dahil sa pagpapasexy ko. Pero hanggang billboards at print ads lang tinatanggap ko. Wala kasi akong lakas ng loob para magramp model. Nahihiya ako pa rin ako kapag live at maraming nanunuod.

Pero nagulat ako dahil pagpunta ko sa location, akala ko pictorial lang pero isang rehearsal ang nadatnan ko. Isa pala ako sa mga model na rarampa sa isang sikat na company ng denim and underwear. Agad kong pinuntahan ang manager ko para rito.

“Manager Choi, diba, hindi ako tumatanggap nito. Akala ko may pictorial?” Galit na sabi ko.

“Alam ko. Pero dapat masanay ka na. Mawawala ang career mo kapag hindi ka pumayag.” Dahilan nito pero hindi pa rin ako sang-ayon.

Pare, Mahal mo raw ako (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon