Chapter 17: Sam

6.9K 161 12
  • Dedicated kay Sam Navarro
                                    

 



Chapter 17:  Sam

 

(Karl Darren's POV)


The party went well that night. It was fun and funny because of Sam's friends. Being with them is an eye opening that LGBTs are harmless and can made your day; the punchlines, their laughs and the company itself.


Madaling araw na kami nakauwi ni Baldo dahil sobrang saya nga ng party na in-organize ni Sam. Hindi naman kami nalasing, almost all the guest hindi nalasing dahil 'NO HARD DRINKS' policy ng party, puro cocktails with low amount of alcohol ang pwede. Marami ring games and activities na mas lalong nagpasaya ng gabi.


"Huy, natulala ka na d'yan. Nilalangaw na pagkain mo." sabi nito habang winawagayway ang kamay niya sa mukha ko. Ngumiti ako ng pilit at tinuloy ang pagkain ng breakfast. "Kamusta naman ang party kagabi?" tanong ni tita sabay subo ng pandesal.


"Masaya naman po. Enjoy po kasing kasama yung mga kaibigan ni Baldo." Sagot ko. Ngumiti naman ng maloko si tita. Ano na naman kaya iniisip nito? "Baldo's friend. Okay?" paglilinaw ko. Tumawa naman si tita.


"Wala naman ako sinasabi ah. Ikaw ha, masyado ka nang attached kay Baldo. Ilang percent na ba?" parang kinikilig na ani nito. Kumunot naman noo ko sa sinabi niya.


"You're just catching me. Kung hindi dahil sa malisyosa niyong tingin, I won't react. Anong attached, tita? Hindi nga kami friends, we're just neighbors. That percents zero. As in bilog." –fi-norm ko yung kamay na bilog.


"Ang harsh mo kay Baldo. Tinulungan ka na nga't lahat, neighbors pa rin." Nangonngonsensya pa 'tong si tita. Ipagpilitan daw ba? "Hindi man lang lumevel-up ang relationship status niyo?" muntikan ko nang maibuga yung iniinom kong gatas. Andaming nalalaman ni tita. Feeling bagets pa rin.

 

"We're now friends. Naglevel-up na ang relationship status namin. Now, happy?" sarcastic na sabi ko kay Tita. Nang matigil na sa kaka-Baldo niya. Crush talaga ni Tita si Baldo.



"I'm very much happy." Ngiting ngiti na sabi ni Tita. "Bilisan mo na d'yan at may darating akong bisita. 'Wag mo munang gamiting yung faucet sa kusina, nasira kasi. Sa CR ka na muna kumuha. Okay?" tumayo ito. Narinig ko pang may chinachant si tita. "Team DaDo is heart heart." She kept on repeating that. Napakamot na lang ako sa ulo. How can Tito, handles his wife o parehas silang ganyan?



Tinuloy ko ang pagkain at binasa ulit ang calling card na katabi ng plato ko.


Manager Becky Lopez

Modelling Agency

0912*******

 

I don't know the history kung bakit ako binigyan nito. Ayaw ikwento ni Baldo sa'kin at gusto niyang magparty kagabi. Gusto ko sanang tawagan to confirm yung question ko pero parang mas okay na alam ni Baldo yung gagawin ko since parehas kaming binigyan. Malay ko bang kung it has something to do with both of us  tas ako lang nakaka-alam. Hindi ako gano'ng tao bro, parang bastusan naman. Dapat alam niya kahit hindi siya sang-ayon, atleast he knew.

Pare, Mahal mo raw ako (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon