Chapter 30: Never Underestimate

6.7K 196 37
                                    

Chapter 29: Never underestimate

(Baldemore's POV)

"Sigurado ka na bang papasok ka ulit d'yan?" May pag-aalinlangang tanong ko.

            "Oo naman. Kaya ko ang sarili ko. Kapag may nang-api sa'kin, itong kamao ko ang kakausap sa kanila." biro niya habang naka-angat ang kamao at nakangisi.

            "Tawagan mo lang ako kung kailangan mo ng back-up." 'yon na lamang ang tangi kong nasambit. Gusto kong pigilan ka na pumasok sa dating mong eskwela kasi natatakot ako. "Sige na. Baka ma-late ka pa sa first day mo." ngumiti ako na para bang okay lang lahat.

            Nahalata na niyang may iba sa'kin dahil parang nawala 'yong sigla sa mukha ko. Masyado akong nag-aalala sa mga mangyayari sa loob ng eskwelahan na 'yan nang wala ako. Na baka mawala na lang ako sa mundo niya at balikan na lang 'yong dating mundo na meron siya.

            Bawat hakbang niya papalapit sa gate, patindi nang patindi ang mga agam agam ko, mga negatibong iniisip ko at takot ko na tuluyan na siyang lumayo at mawala sa'kin. Sana sa bawat palingon niya sa'kin, magdalawang isip siyang pumasok at balikan ako para sabihing hindi niya ako iiwan sa ere, hindi siya magtatangkang lumayo at hindi siya sanay nang wala ako. I shouldn't be like this. He is not committed to me. Masyado na 'kong nahulog para umasang gano'n ang mangyayari.

            Ginusto ko naman lahat ng 'to, I should face the consequences.

            Hinintay ko lang talaga siya makapasok. Binuhay ko 'yong makina at nag-drive sa kung sa'n p'wede akong makagpag-isip isip. Ilang sandali lang rin ay nakapunta na ako. Tahimik ang lugar na p'wede mong tambayan kapag gusto mong mapag-isa'di tulad kapag sumapit ang gabi. Maluwag na p'wede mong takbuhan hangga't mapagod ka 'di tulad kapag gabi na halos isiksik mo ang sarili mo para makadaan. Mabango at gusto mo na lang singhutin lahat 'di tulad kapag gabi na halo halo ang amoy at gusto mo na lang masuka. Pero ano ba talaga ang mas okay, ang tahimik para problemahin ang mga problema o ang maingay para kalimutan ang mga problema? Either way, nando'n pa rin ang problema. You can't escape and you have to deal with it.

            Dumeretso ako sa bar counter.

            "Good morning, Sir. What do you need?" ngiting-ngiting at tila nang-aasar na bati ni Sam nang humarap 'to.

            "May pasok ka ah? Ano'ng ginagawa mo rito?" takang tanong ko sa kanya.

            "Wow! Buti alam mo pa pala 'yan. Akala ko nakalimutan mo na kami." mapaklang asik nito.

            "Ba't nga hindi ka pumasok?" pagbabalik ko ng usapan.

            "Wala. Bored." tinatamad niyang sagot kasabay pagrolyo ng mata niya.

            "Kaya nandito ka sa Bar mo at tumutulong sa mga tauhan mo."

            "Hindi. Kailangan ko ng pera. At sasahuran ko ang sarili ko para maka-alis sa lugar na 'to." nagtataray nitong sambit.

            "Sa'n ka naman pupunta?" pagsakay ko sa trip niya.

            "Sa Bagiuo pati na rin sa Sagada." walang kalatoy latoy niyang asik habang nagpupunas ng mga baso sa harap niya.

            "Break na naman kayo ng boyfriend mo?" taka kong tanong. Bago ako umalis sa bahay ko ay nagtext siya na may bago siyang boyfriend. At ngayon naman ay wala na agad sila.

            "Oo. Gusto ko nang magmove on pero ni isa sa kanila ay hindi maparamdam sa'kin ang salitang move on." nagtataray na naman niyang asik.

Pare, Mahal mo raw ako (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon