Chapter 7 - Time to Choose

1K 38 8
                                    

After a long long time, nakapag-update na po ang lokong author. :)

 

Pagpasensiyahan niyo sana ako.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -  - -


“Eenie Meenie Miney Mo… Sino sa dalawa ang pipiliin ko?” Pabalik-balik na sa bi ko habang tinuturo ang dalawang barya na nasa harapan ko. Ang isa ay limang piso na nagrerepresenta kay Lance at isang piso para naman kay Sean.

Aaargh! Ang hirap mamili. Mahirap mag decide kung sino sa kanila ayan tuloy para na akong baliw tingnan dito sa canteen. Tumambay lang ako dito para lang sa Lance or Sean thingy na yan. Pshh. Bakit ko ba to pinag-iisipan? Is it a big deal for me? Pero kung hindi naman ako pipili baka - - - - - - - - -  ay ewan.

Nagpatuloy na lang ako sa pagpili sa kanila gamit ang pag e-eenie meenie. Malay natin baka mag work. Unang nanalo si Lance. So Lance get the first point. Next, Sean get it. So we have a tie. Next ulit, si Sean. Siya na sana yung pipiliin ko pero kinausap ako ng konsensya ko kaya nag try ulit ako.

“Eenie Meenie Miney Mo. Sino sa dalawa ang pipiliin ko?” Actually, it’s obvious naman na alam ko na ang magiging resulta. Hello? Dalawa lang kaya ang barya at para lang nagpapasahan ng points ang dalawa. Pero ito lang ang naisipan ko eh sundin ko nalang to.

Yung lumabas ay si Lance. Aha! We have a tie again. Two points for Lance and two points for Sean. Dapat ma break yung tie kaya once again I will do the “Eenie Meenie Miney Mo”.

Tinakpan ko yung dalawang mata ko gamit yung left hand ko. Ginagamit ko kasi yung right hand ko sa pagturo.

Before I do the “Eenie Meenie Miney Mo” thing, I took a deep breath first. Then, ni ready ko na sarili ko. Bahala na si batman. Sana patnubayan ako ni superman at damayin ako ni wonderwoman. ^_^

“Eenie Meenie Miney Mo - - -” I can’t help myself but to stop for a while. And, “Which the two of them deserves best? Is it Lance or Sean?”

 

Excited na ako kaya lang sa pagdilat ko wala na yung dalawang barya na pinagpipilian ko. Teka, san na kaya napunta yun? Pagtingin ko sa harap ko ay bumungad agad ang isang batang lalaki. Nasa eleven years old ata yung age. Nakasuot siya ng black cap at may nakasabit na bling bling sa leeg niya. He's wearing a black lousy T-shirt. Teka, rapper lang ang peg?

Nakangiti lang siya sa akin ng nakakaloko. Abang batang to. Alam naman niya sigurong seryoso ako sa ritwal ko este sa pagpili ko. Napansin ko namang nasa palad niya yung anim na piso which is mine. Takte naman oh, excited na sana akong malaman pero sinira lang ng eleven year-old kid. Dahil wala ako sa mood makipagbakbakan este makipag-away este makipag-usap pala ay napailing nalang ako waiting for him to give back my 6 pesos. Hindi naman sa ang kuripot ko pero I’m planning to buy everything I want when Christmas comes.

“Hey, kid.” Mahinahon kong sabi sa kanya. Nilalaro ko naman yung straw sa softdrink ko.

 

Nawala naman yung ngiti niya at napalitan ng pagtataka. “Are you talking to me, Miss? Sabi niya sa akin sabay turo sa sarili niya. Aba naman, pilosopo pala tong batang to. And Miss? Pwede naman sigurong ate nalang or etc. Miss pala talaga ang ginamit. Tsh.

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon