Chapter 4 - I hope I can Ease the Pain

1.1K 31 1
                                    

Di ko talaga makalimutan ang sinabi niya sa guro namin. Simula nung classmate ko na si Lance ay puro problema na lang ang pumapasok sa buhay ko at hanggang ngayon lulumulutang pa rin sa isip ko kung saan niya nakuha yung name ko. Siguro narinig lang niya pero iba ang na se sense ko. Tsk. -_-

Walang araw na hindi ako naiinis.

Naaasar.

Napipikon.

Nagagalit.

Parang sinisigurado talaga niya na walang araw na hindi magiging miserable ang buhay ko. Alam niyo ba na moks ang tawag niya sakin? Ansakit pakinggan eh. Tawagan namin yun ni Xander. Pano ko naman makakalimutan yung tao kung isang bwiset na katulad ni Lance ay tinatawag akong ganun. Hay.

Vacant ako ngayon kaya napagdesisyunan ko na maghanap ng lugar dito sa school kung saan mapagtataguan ko este mapagpapahingaan ko. Napagod na kasi ako sa kaaaway sa Lance na yun. Si Mykee naman, dito ko na siya inaabala since may practice sila ng mga kasama niya sa football. es, we have a project kahit nagsisimula pa lang ang pasukan. 

Yan ang gusto ng mga guro namin eh so susunod nalang rin kami.

Sa kakaikot ko sa campus namin ay nakahanap na rin ako. Bakit di ko naisip na dito sa garden ng school namin magtambay since ang mga tao dito sa school ay busy sa kung anu-anong bagay at walang plano nag magtambay dito sa magandang lugar tulad ng garden.

Umupo nalang ako malapit sa isang puno dito sa garden. Imagine, para lang akong prinsesa dito kasi napakaganda ng lugar at tago pa kaya halos walang mga tao dito. Sana sa tulong ng pagpapahinga ko dito araw-araw makalimutan ko na si Xander.

Inistretch ko nalang ang mga braso ko at humiga. Habang nagmumuni muni at tumitigin sa mga ibon na nasa puno ay may naisip tuloy ako. Agad akong tumayo at pumunta sa harap ng puno. Kumuha ng isang matalim na bato at nagsimulang umukit sa puno. Nagandahan talaga ako sa puno kasi napaka plain niya at walang patay na dahon. Alagang alaga siguro ng nagtanim nito ang punong to.

Hoy puno, alam mo bang ang lungkot ng buhay ko ngayon. Sinaktan ako ng isang tao . Tsh. Bakit ba ganyan ang buhay, tulungan mo naman ako makapag move on oh. Kung sabagay pamilya na rin ang turing ko sayo ngayon kasi isa ka na sa tahanan ko. Sorry, an goa ko na masyado. *sad face*

 

Ang taas na pala ng naisulat ko. Wala naman sigurong makakapansin dito. Makatulog na nga lang.

Lance POV

Asan na kaya yung mokong na yun? Nawala lang na parang bula. Lumabas nalang ako ng room namin. I think it’s about time para bumalik na ko sa pinanggalingan ko. Joke. Gusto ko ng balikan yung lugar dito na pinakagusto ko, ang garden.

Aaminin kong bago pa lang ako dito sa university na ito bilang isang student. Kami kasi may-ari nitong school nato pero ngayon lang ako nakapag-aral dito. Ito kasi yun, wala akong kaklase kahit isa man lang, mag-isa lang ako sa isang room ko dito sa University kung saan walang nakakapasok. Dito lang ako nag-aaral kasama ng tutor ko.

Pinilit ko lang si Dad na mag-aral ng normal at makisalamuha sa ibang tao. Kaya akala ng iba, baguhan lang ako dito tulad nalang ni Max pero moks lang talaga tawag ko sa kanya para maiba. Ewan ko nga sa kanya kung bakit parang gusto niyang pumatay ng tao kapag tinatawag ko siyang moks.

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon