Chapter 2 - The Start for a New Beginning

1.4K 33 3
                                    

Linggo na nga pala di ko pa naayos gamit ko para  sa pagdating ng pasukan bukas na kasi. Hindi ko pa namalayan ang oras, 10 na ng umaga. Ang himbing pa ng tulog ko, bumangon nako at kinuha yung phone. Naging ugali ko na kasi to kapag bago lang akong gising.

Ang dami kasing text messages na nare-receive ko kahit ang aga pa hindi ko naman kilala kung sino sila kaya nga papalit palit ako ng number. Ang ginawa ko lang sa kwarto ko ay delete ng delete ng mga text messages hanggang sa may kumatok na sa pinto.

-       Door opens -

Good morning Maxine. Bati ni manang, isa sa mga katulong namin sa bahay. I think 15 years na ata siyang nagtatrabaho sa amin.

Good morning din tita. Tugon ko.

Hija, buti gising ka na nakahanda na kanina pa ang agahan mo sa dining area. Bababa ka na ba o dadalhin ko nalang dito para naman makakain ka na? Pumapayat ka na oh'.

Ito naman si tita oh'. Tita talaga ang tawag ko sa kanya kahit noong bata pa kami ng kapatid ko. Di naman ho ako pumapayat, nag di-diet lang talaga ako. Nag pout pa ko, nginitian naman niya ako.

Ikaw talagang bata ka, oh sya, dalhin ko nalang dito. 

Aalis na sana siya ng pinigilan ko.

Wait tita, ako nalang po ang bababa pupunta naman ako sa mall ngayon to buy things para bukas.

Sinabay kong binili ang damit at footwears ko. Napapansin ko na kasing luma na ang mga ginagamit ko. Naramdaman ko nalang na bumilis ang tibok ng puso ko.

Ewan ko ba parang kinakabahan ako, siguro dahil sa magkikita kami bukas. Di ko na alam kung anong gagawin ko, iiwasan ko ba siya? Ay hindi, siya pala ang umiiwas sa akin bakit ba kasi may pa amin amin effect ako.

  

Natapos ko nang bilhin ang lahat ng gamit ko, so it means I’m ready for tommorow. Wish me luck nalang. *inserts a sad face here*

  

Pagdating ko sa bahay ay natulog agad ako. Oy baka ano pang iniisip niyo, nag half bath ako no at nag iba ng damit.

_____ * _______ 

Na alimpungatan ata ako, kinuha ko agad ang cellphone ko, as usual. 5 na pala, bumangon na ako sa kinahihigaan ko. Nag ayos, ayos, ayos at ayos ako for the whole time hanggang sa natapos rin.

Pagbaba ko ay nadatnan ko nalang ang dalawa kong kapatid sa stairs ng bahay namin.

Hi ate, good morning. Bati ni Venice sa kin at nginitian ko nalang siya.

Hi bro, gising na pala ang araw. Bati ni Ice sakin, kapati ko din at kambal ni Venice kaso lang ay lalaki si Ice at babae si Venice. Ewan ko ba kung bati ang tawag nun, binatukan ko nalang ang mokong. Ang aga pa kasi para mambuwisit siya. Napansin kong nakabihis sila at animoy aalis ng bansa dahil sa mga dala nilang maleta.

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon