Chapter 6 - Lance or Sean?

1K 33 0
                                    

Hi - Lance

Hellow - Me

May good news ako sayo.

Ano naman yun? Teka kelan pa ako nakakuha ng number mo? Lance! Huwag mong sabihin ginalaw mo ang cellphone ko?

Hehe. Bawal ba?Okay naman yun ah. Oi, may good news ako sayo.

Ano naman yun?

Basta maya nalang. Magkikita naman tayo eh.

Nagte-text kami ngayon ni Lance. Wala kasing magawa eh.

Max, pinapatawag ka raw ni Ma’am Reyes. Sabi ng kaklase ko.

Ako? Pinapatawag. Di nga?

Oh, sige. San ba?

 

Sa School Publication Office daw. Bakit naman dun? Tumayo nalang ako at nagsimulang ilagay ang mga gamit ko sa bag ko.

Nang magsimula na akong maglakad ay nagsalita si Sean.

San ka pupunta, Max?

 

Eh, sa may office daw. Pinapatawag ako.

 

Ah, Max. tumayo na siya kanyang kinauupuan at huminto sa harap ko.

Can I invite you for a date? Ayee! Sinabi ba talaga to ni Sean sakin. Huwag naman sana.

Eh, S-sean. Utal kong sabi sa kanya habang napakamot ng ulo ko.

Okay lang sakin kung hindi ka papayag. Nakangising sagot niya pero makikita mo sa kanyang mukha ang pagkadismaya.

Ano ka ba Sean? Wala pa naman akong sagot noh. Siyempre, okay lang sakin. Kelan ba? Ayoko sana pero kakaawa naman tong si Sean.

Mamayang hapon. Hihintayin kita dun sa labas ng office na sinasabi mo? Anong bang office ang pupuntahan mo?

 

Eh, Sa school publication office daw. Sabay ngiti ko sa kanya.

Malapit lang pala dito. Sige, pumunta ka na dun. Salamat Max.

 

Nagsimula na siyang maglakad habang akoy tinitignan siya papalayo. Nung hindi pa siya kalayuan ay huminto at lumingon sakin.

Hintayin kita mamaya Max and - - - -  you look gorgeous because of your dress. Stay safe ah. Ngiti niyang sabi at nagpatuloy na sa paglakad.

Nag wave naman ako pero hindi niya ata na pansin.

Nagsimula nalang akong maglakad papuntang building.

---here at School Publication Office

Lance? Pagkapasok ko sa office ni Maam Reyes ay nandun na si Lance. Naka-upo lang at may binabasang magazine.

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon