WAKAS NG UNANG LIBRO - ANG PAGSILANG

8.2K 255 18
                                    

Wakas Ng Unang Libro - Ang pagsilang

Habang payapang natutulog si Randall sa kanyang tabi ay agad syang bumangon ng dahan-dahan. Tinignan muna nya saglit si Randall bago nya tinungo ang sekretong silid. Hinawakan nya ang dragon na ukit at nanginginig ito at bumukas. Tinignan nya si Randall na tulog parin na kinahinga nya ng maluwag. Pumasok sya at kusang nagsara ang pinto.

Agad nyang tinungo ang aklatan at hinanap ang aklat ng propesiya. Nakita nya iyon at muling binuklat. Nagliwanag ulit iyon kaya napatakip sya ng mata. Nang ayos na ay tinignan nya ang pahina. Nilipat nya sa pangalawang pahina ng libro. At unti-unti din nagkaroon ng titik ang bawat sa salita.

"May katangian ang batang nasa propesiya. Ang mata ng sanggol na isisilang ay nagkukulay pusya na rosas na kapag tinignan mo ay tiyak na mauubusan ka ng hininga. Ang kanyang boses ay parang isang angel pag ito ay umawit at magsalita ngunit oras na ito ay umiyak tiyak na mayayanig ang buong kalupaan na sakop ng mga bampira. Mamatay sa pagguho ang mga bampira oras na ito ay umiyak." basa nya sa pangalawang pahina. Nilipat nya muli dahil kailangan nyang mabasa agad ang ilang importante bago pa manghinala si Randall kung nasaan sya. "Kaya tanging buhay lamang ng sanggol ang kailangang mawala upang magbago ang nakasaad sa propesiya." naihulog nya ang aklat sa kanyang huling nabasa. Napaiyak sya dahil hindi nya alam kung ano ang dapat gawin. Tanging kamatayan ng anak nya ang kapalit upang hindi ito matuloy. Ngunit hindi sya papayag. Anak nya ito.

Napatalikod sya at napaupo. Sumandal sya sa lagyanan ng libro habang lumuluha na nag-iisip ng paraan upang malayo sa propesiya ang anak.

Hindi napansin ni Francine ang pang-apat na pahina kung saan ay nakasulat doon.

' At Oras na may lalaking umibig rito ay magiging sanhi ng pagkamatay nito.'

Tulalang nag-iisip si Francine kung paano nga ba? Ang tanging paraan lamang na nasa isip nya ay umalis.

"Tama! Hindi sinabi sa propesiya na kasama ang mundo ng tao na kasamang guguho. Tangging mga bampira lamang ang nabanggit" sabi nya sa sarili ng makaisip ng paraan. Agad syang tumayo upang sabihan si Randall. Kailangan nyang sabihin rito dahil ayaw nyang maglihim rito.

Binalik nya ang aklat at agad na umakyat ng hagdan upang lisanin iyon. Lumabas sya at muling sinara ang pinto ng silid na iyon.

Sa kanyang paglabas ay isang hindi mapakali na si Randall ang nakita nya. Gising na pala ito. Napatingin ito sa kanya at sa silid na pinanggalingan nya. Agad itong lumapit sa kanya at niyakap sya.

"Narito ka lang pala, Mahal. Labis ang pag-aalala ko na baka may nangyari na sayo."

"Bakit tila balisa ka? At anong sigaw iyong naririnig ko?" tanong nya rito ng makarinig sya ng sigaw sa labas ng kanilang silid.

"Kailangan na nating lumisan rito. Papatayin nila ang ating anak. Gusto nila ama na mawala ang ating anak dahil sa propesiya." sabi nito sa kanya.

"Alam mo din ang nakasaad sa propesiya?" gulat nyang tanong.

"Oo. Kahit na hindi mo sabihin ay nabasa ko ang isip mo ng tayo ay mahiga kanina. Labis ang aking pag-aalala dahil sa iyong pag-iyak. Kaya patawad kung binasa ko ang nasa isip mo." sabi ni Randall.

"Hindi na importante iyon. Nakaisip na ako ng paraan upang hindi matuloy ang propesiya." sabi nya rito.

"Ano?"

"Mamuhay tayo bilang tao. Dahil pag nandito tayo ay tiyak na hindi din tayo matatahimik lalo pa't sumugod na ang mga kalahi mo at iba pang lahi. Ayokong mamatay ang anak natin. Gusto ko syang makaranas ng naging buhay ko noon. Pag doon tayo sa mundo natin dati ay wala nang masasaktan na mga kalahi natin. At alam ko iyan ang dahilan mo kung kaya hindi mo sila hinarap dahil ayaw mong masaktan sila. Ayaw mong dumanak ang dugo sa palasyong ito at sa buong lupain ng bampira." pagpapatuloy nya.

Blood Book 1 (Unedited) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon