KABANATA 2 - PATARAKAN

8.3K 278 1
                                    

Kabanata 2 - Patakaran

Tinungo ni Rapha ang nakakatanda nyang kapatid na si Randall. Maraming umiikot na katanungan sa isip nya. Kung bakit kinuha ng kanya kapatid ang isang kasambahay at bilang isang alalay nito? Alam naman nito na hindi maaari na may makaalam ng kanilang lihim. At dahil sa ginawa nito ay maaari nang matuklasan ng iba ang kanilang sekretong tinatago.

Mabilis syang nakapasok sa loob ng silid-aklatan nang hindi binubuksan ang pinto. Nakita nya ang kapatid na nakasandal sa lamesa habang nakatingin sa kawalan. Tila malalim ang iniisip nito at kaya hindi sya nito napansin man lang.

"Mahal kong kapatid. Maaari mo bang ipaliwanag kung bakit mo kailangan ng alalay? Alam mo at alam ko na kailanman ay hindi mo kakailanganin ng isang utusan." mapanghinala na tanong nya sa kapatid. Hindi ito tumingin sa kanya at nakatingin parin ito sa kawalan.

"Wala akong dapat na ipaliwanag sayo, Rapha. Kung sino man ang gusto kong kunin na tauhan ay wala na kayo pakialam pa. Iwan mo muna ako, gusto ko munang magpahinga." walang emosyong wika nito sa kanya. Nasaktan sya dahil sa malamig na pagtrato na naman ng kanya ng kapatid. Huminga sya ng malalim at nilisan ang silid nito.

Naiwan namang nakatingin parin sa kawalan si Randall. Maya-maya pa ay may naramdaman syang awra.

"Lumabas ka. Alam kong ikaw iyan." asik nito sa kawalan.

"Magaling! Magaling! Ang lakas talaga ng pakiramdam mo, mahal kong pinsan." pang-asar ni Warren na nakatayo na sa harapan niya. Inungusan niya lang ito dahil tiyak na wala na namang itong magawa kaya sya ang ginugulo.

"Umalis ka sa harap ko, Warren. Wala akong gana na makipagbiruan sayo." mariin nyang sabi rito na nginisihan lang sya.

"Tama ba ang narinig ko na kumuha ka ng alalay? Ang isang empre kailangan ng alalay? Nakakapanibago. Kailan ka pa nakipagsalamuha sa mababang uri, lalo na sa mga mortal?"

Tumingin sya ng masama rito at sinakal ito sa leeg.

"Pag sinabi ko na wala akong gana na makaharap ka, sumunod ka!" galit at asik nya rito. Tinaas nito ang dalawang kamay bilang pagsuko. Ngunit hindi nya mapigilan ang inis nya rito kaya mas dumiin pa ang pagkakasakal nya rito. "Nakalimutan mo ata na mas mataas ang antas ko sayo, Warren? Wag kang umasta na magkapantay tayo, dahil kailanman ay hindi tayo magkapantay. Hindi porket pinsan kita ay may karapatan ka na kung ano man ang gustuhin mong gawin. Kaya kung ayaw mong malagutan ng hininga ay wag mo akong susubukan!" pabalibag na binitawan nya ang leeg nito kaya napaatras ito. Umubo-ubo si Warren at masamang tumingin kay Randall.

"Magpakasasa ka sa trono mo, Randall. Dahil oras na ako naman ang nasa itaas, pagsisisihan mo ang lahat ng ito, at sisiguraduhin ko na luluhod ka sa paanan ko." banta nito at naglaho.

Kumuyom ang kamao ni Randall at marahas na binalibag ang mahawakan. Sabi na nga ba at may tinatago itong masamang budhi. Ramdam nya na may pagnanais ito sa pwesto nya, bilang susunod na mamumuno ng kanilang lahi. Pero hindi nya hahayaan na mangyari ito. Dahil sisiguraduhin nya na hindi ito magtatagumpay.

'Empre.'  Tinig mula sa hangin.

Napatigil sya sa paghahagis ng gamit ng magsalita si Fei. Isang babaylan sa hinaharap. Isa lang ibig sabihin ng pagtawag nito sa hangin. May nakikita itong pangitain.

Pumikit sya at naglaho ng parang bula sa silid aklatan. Ilang segundo lang ay nasa bulwagan na sya kung saan lagi itong namamalagi. Nadatnan nya ito na nakapikit at hindi gumagalaw, hudyat na nasa isa itong dimensyon kung saan ay naglalakbay ang kaluluwa nito.

"Ano ang iyong nakikita, fei? May babala bang mangyayari sa siti?" kausap nya kay fei sa isip.

'Masisira ang organisasyon itinatag, dahil sa isang dalagang anak ng kalaban nating lahi.'

Blood Book 1 (Unedited) ✓Where stories live. Discover now