KABANATA 3 - ANG PAGLALAPIT NG PUSO

7.1K 260 2
                                    

Kabanata 3 - Ang paglalapit ng puso

Naiilang na pilit binababa ni Francine ang kanya suot na dress. Pang 90's pa kasi ang klase ng dress. Pero nang maisuot nya iyon ay para itong nagmukhang bago. Kalahati ang pagkakapusod ng buhok nya na bumagay sa suot nya. Hindi sya sanay sa medyo maikling suot kaya hinahatak nya iyon pababa.

"Halika na." napaayos siya ng tayo ng magsalita ang senyorito nya. Hindi nya namalayan nasa tabi na pala nya ito.

"Sige po." naiilang nyang tugon. Lalo't nang pasadahan sya ng tingin ni Randall.

Ang totoo ay kanina pa nakatitig si Randall kay Francine habang nakatayo ito sa bungad ng pinto. Napakaganda nito kahit na may pagkaluma ang suot nito. Lumalabas lalo ang napakainosente at maamo nitong mukha. Gusto pa sana nya itong pagmasdan ng matagal ngunit baka gabihin pa sila. Kaya lumapit na sya rito.

Lulan ng sasakyan ay tahimik lamang na nakaupo si Francine sa katabing upuan ni Randal. Habang nagmamaneho si Randall na nakatuon ang atensyon sa daan. Tahimik silang dalawa, kaya mas lalong hindi mapakali ang pakiramdam ni Francine. Natuon na lamang ang kanya mata sa labas habang tinatanaw ang kanilang dinaraanan.

"Yung suot mo, bagay sayo. Lalo kang gumanda." mahinang sabi ni Randall. Namula at pinapakalma naman ni Francine ang puso nya ng bumilis ito sa pagtibok dahil lamang sa pagpuri sa kanya ni Randall.

"Salamat po." nahihiyang tugon ni Francine.

Tumingin si Randall saglit sa dalaga at binalik muli ang tingin sa kalsada na nakangiti. Namumula kasi ang pisngi ng dalaga kaya naman natuwa sya. Napakaganda nitong tignan.

"Namumula ka." panunukso ni Randall. Napalingon naman si Francine sa binata at pilit na pinapatatag ang loob.

"Hindi, ah. M-May nilagay lang po si nanay na blush-on sa pisngi ko." tanggi ni Francine at umiwas ulit ng tingin. Napahalakhak naman si Randall dahil sa depensa ng dalaga sa sarili.

"Hahaha.. Nangangatwiran ka pa. Tsaka wag mo na akong i-po, hindi pa naman ako matanda." magiliw na sabi ni Randall at ginilid ang sasakyan sa tapat ng isang sikat na bar. Ang totoo ay para sa mga kauri nya lang ang klase ng bar na iyon. Alam din nya na hindi pwede ang dalaga sa loob. Ngunit hindi naman nito malalaman na ibang uri ang nasa loob nito. At sisiguraduhin nya na walang kalahi nya ang makakaalam na mortal ang kasama nya. Kaya kinuha nya ang kwintas ng persamon.

"Suotin mo itong kwintas." utos nya sa dalaga na nakatingin sa labas. Lumingon si Francine at bumungad ang isang kwintas na parang medalyon, ngunit medyo maliit. Nagtataka na kinuha nya ito.

"Bakit nyo po pinasusuot sa akin ito?" naguguluhan nyang pagtatanong.

"Para makapasok ka. Bawal pumasok ang hindi myembro. Kaya isuot mo iyan." pagsisinungaling ni Randall. Agad namang sinuot ito ng dalaga kaya napangiti si Randall at bumaba upang pagbuksan ng pinto ang dalaga.

Nagtataka talaga si Francine kung bakit naging mabait ang senyorito nya. Para namang hindi sya tauhan kung tratuhin.

Isinawalang bahala na lamang nya iyon at sumunod kay Randall na nauna na sa paglalakad. Ang daming bumabati sa senyorito nya. 'Empre' ang laging banggit ng mga ito. At ang weird lang sa pakiramdam niya dahil bakit tila kakaiba ang mga tao sa bar na pinuntahan nila. Halos maputla o maputi at puro sila nakaitim na kasuotan. Naiilang din sya dahil kada dadaan sya sa mga nagsasayaw o sa bawat lamesa man ay napapatingin ang mga ito sa kanya tila sinusuri sya. Kaya naman binilisan nya ang pagsunod sa senyorito nya, dahil baka may mangyari pang masama.

Dumeretso si Randall sa isang VIP room at naupo sa couch. Hinintay nya na makalapit ang dalaga na nililibot ang tingin. Ramdam nya ang kabog ng dibdib nito sa takot kaya napahinga sya ng malalim. Hindi nya malaman kung bakit sinama nya pa ito sa bar. Basta gusto lamang nya na may makasama.

Blood Book 1 (Unedited) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon