SIMULA

21.5K 447 11
                                    

SIMULA

Nakakapit si Francine sa braso ng kanya ina. Habang tinatahak nila ang lupain daw ng mga Agustin. Wala syang ibang nakikita sa paligid na kahit anong bahay, kundi mga puno lamang at mahabang kalsada na hindi sementado.

"Nay, bakit ba kailangan natin na doon tumira sa sinasabi nyong bahay ng mga agustin?" naguguluhan nyang tanong. Basta nalang kasi sinabi ng nanay nya na kailangan daw ito sa mansyon ng agustin. Kaso hindi naman sya nito maiwan kaya isinama na sya nito. Well, kung sya man ay mas gusto nya na makasama ang nanay nya. Ayaw nyang maiwan mag-isa sa bahay nila. Ang nanay nalang kasi nya ang tangi nyang pamilya. Namatay na ang tatay nya dahil sa isang aksidente. Tanging pagtitinda nalang din ang hanapbuhay nila. Kaya hindi na sya muling nakatungtong pa sa eskwelahan. Mula nang magtapos sya ng second year high school, doon nagsimulang dumami ang pagsubok sa buhay nila. Naranasan nila na magpalaboy-laboy at wala nang halos makain. Ngunit, dahil na rin sa nagsumikap sya--nag pasideline-sideline, hanggang sa magkaroon sila ng kaunting puhunan upang makapagtinda ng gulay sa palengke.

"Kasi anak, pag nagtrabaho tayo sa mga agustin, tiyak na mas malaki ang kikitain natin kesa sa pagtitinda. Kaya nga nang balitaan ako ni tonyang na naghahanap daw ng kasambahay ang pamilyang agustin ay agaran tayo lumuwas dito." paliwanag ng kanyang ina. Habang tinatahak parin nila ang mahabang kalsada na wala atang katapusan sa layo.

"Ganun pala. Tingin nyo pareho ho kaya tayo matanggap?" nag-aalala nyang tanong muli. Nangangamba sya na baka isa lang ang tanggapin at pauwiin sya. Hindi pa naman sya sanay na mamasahe pauwi. At hindi nya kaya na mag-isa lamang.

"Tiyak na matatanggap tayo. Marami ata ang kailangan, dahil halos nag-alisan daw ang mga tauhan."

"Hala! Baka masama ang ugali nila kaya nag-alisan ang mga iyon, Nay? Wag na kaya tayong tumuloy." hindi nya mapalagay na sabi. Hinawakan naman sya nito sa braso tila pinapakalma.

"Anu ka ba. Syempre kailangan muna nating subukan, pero pag hindi na natin magustuhan ang pagtrato nila ay maaari naman tayong umalis, di ba?" napatango at naunawaan naman niya ang paliwanag ng kanyang ina.

"Oo nga po. Tama kayo." nakangiti nyang tugon.

Nagpahinto naman si Gina sa paglalakad. Kaya nagtataka na huminto din si Francine at tumingin sa nanay nya.

"Bakit, Nay?" nagtataka nyang tanong sa ina.

"Narito na ata tayo, Anak. Sabi sa address pag may bahay na daw tayo nakita iyon na daw yun. Tsaka malaki ang bahay, tignan mo." tumingin naman si francine sa tinuro ng nanay nya. Pagkamangha ang mababakas sa kanyang mukha, ngayon lamang sya nakakita ng ganung kalaki at kagandang bahay. Kung bahay pa bang maitatawag iyon?

"Wow! Ang ganda at ang laki ng bahay, Nay. Napakayaman nga pala ng mga Agustin." hindi nya mapigilan na ilabas ang pagkamangha nya na kinatawa ng kanyang ina.

"Sabi na nga ba at matutuwa ka din. Sa atin kasi akala na natin pag malaki na ang bahay ay mayayaman na sa paningin natin. Ngunit, iba pala ang yaman ng Agustin. Kaya nga siguro ay malaki ang kanilang pasahod." natutuwang wika ng nanay nya na lumapit na rin sa makapal na bakal ng gate.

"Anong gagawin nyo, Nay?" nagtatakang tanong niya nang lumapit ang nanay nya sa gate.

"Kailangan natin na matawag ang tao sa bahay. Para malaman din natin, kung tama ba ang pinunta natin." paliwanag nito sa kanya habang may pinindot ito na isang bagay. Tumango na lang siya at hinintay ang paglabas ng tao sa malaking bahay.

Ilang saglit lang ay may isang ginang na lumabas na nakasuot ng isang uniform ng kasambahay. Nakakunot noo ito tila kinikilala kung sino sila.

"Sino ho sila? At anong kailangan nyo?" tanong nito nang makalapit ito sa gate. Ngunit hindi nito binuksan kundi nakatayo lamang ito doon.

Blood Book 1 (Unedited) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon