KABANATA 5 - LANGIT AT LUPA

6.2K 237 0
                                    

Kabanata 5 - Langit at Lupa


Mula sa isang bulwagan ay nagtipon tipon ang pamilya at kalahi ng mga Agustin. Hinihintay nila ang pagdating ng Emprero at Empre upang pag-usapan ang nagawang kamalian ng empre na si randall.

Puno ng bulungan ang buong bulwagan. May mga nadidismaya at meron din namang nakikisampatya sa Empre. Baka may malaking dahilan ito, kaya nito ginawa ang bagay na iyon.

Natahimik ang lahat ng lumitaw ang Emprero na makikitaan ng maawtoridad na awra. Nagsiyukuan ang lahat nang lumakad ito palapit sa kanyang trono.

"Umpisahan na ang lahat ng inyong hinaing."

Lumapit ang tagapagsalita at kanang kamay nito na si Peter.

"Ayon sa balita mahal na emprero. May ginawang labag sa ating lahi ang mahal na Empre." pag-uumpisa nito.

"At ano naman ang nagawa ng aking anak?"

"May mortal po na kanyang minarkahan mahal na Emprero." magalang nitong pagbubunyag. Nanlisik ang mata ng Emprero sa kanyang kanang kamay na kinatakot nito.

"Paano mo nasabi na ginawa iyon ng aking anak? Hindi maaari na magawa ni Randall ang ganung bagay, lalo na sa mortal." asik nito habang nakalabas na ang pangil.

"Pero iyon po ang binalita ni Mori mahal na Emprero."

Handa na sanang sumabat muli ng Emprero ng dumating ang sinasabi ni Peter na si Mori. Isang bampira na makikitaan nang pagkamaldita at isang ngisi. May angkin din itong alindog na kinasasabikan ng mga binatang bampira. Ngunit hindi ang kagaya ni Randall na walang kahit anong katiting na pagkasabik sa kanya. Tanging kababata at kasapi lamang ang turing nito sa kanya.

"Ngayon ay nandito ka na rin lang, Mori. Ipaliwanag mo ang sinasabi ni Peter tungkol sa aking anak at sa mortal." Sabi muli ng Emprero. Palihim na ngumiti ang may balak na masama si Mori, bago umamo ang mukha tila isang angel.

"Totoo ang binalita sa inyo ni Peter mahal na Emprero. Kita po ng aking mga mata kung paano lumabag ang Empre sa ating batas." ngumiti sya ng malungkot at nadidismaya bago nagpatuloy. "Natutulog ang mortal ng simulan ng Empre ang kanya balak. Kinagat nya ito sa leeg. At pagkatapos nyang matikman ang dugo ng mortal ay naglaho na sya bago pa man magising ang mortal."

"Totoo ba ang iyong sinabi, Mori? Hindi kaya may hinanakit ka parin sa aking anak?" nanghihinala na wika ng Emprero. Palihim na tumalim ang mata ni Mori, ngunit sandali lang iyon at maamo na muling nagsalita.

"Totoo ang aking sinabi mahal na Emprero. Hindi porket may hinanakit lamang ako sa Empre kaya akala nyo ay gumagawa lamang ako ng kwento. Mali po kayo sa inyong iniisip. Tunay na kaibigan parin ang aking turing sa mahal na Empre. Kaya lamang po ako nagsalita pa-ugnay sa kanya ay dahil may katotohanan ang aking mga sinasabi." mahaba nyang lintaya.

Tumayo naman ang Emprero at humarap sa kanyang mga nasasakupan.

"Kung ganun ay kailangan kong makausap muna ang aking anak bago ako magdesisyon." habilin nito at naglaho na.

Naiwan na puro bulungan ang bulwagan habang may ngiting tagumpay naman si Mori. Naniningkit ang mga mata ni Peter, habang pinagmamasdan si Mori na kahina-hinala. Lumapit sya rito na agad naman nitong nahulaan.

"Nagsasabi ka ba talaga ng totoo, Mori? Dahil oras na nagsisinungaling ka, tiyak na kamatayan ang mangyayari sayo, dahil sa paninira mo sa mahal na Empre."

Humalakhak si Mori at tinignan si Peter na may panghahamon na tingin.

"Wala akong pakialam kung maniwala ka man o hindi. Hindi ko na kailangan pang magpaliwanag pa sa isang katulad mo na hamak na kanang kamay lamang. At wag kang makialam sa aking ginagawa, dahil oras na pinakialaman mo ako, tignan natin kung sino ang mauunang malagutan ng hininga." banta ni Mori at lumisan. Napahinga ng malalim si Peter at napailing. Dati pa man ay hindi na nya pinagkakatiwalaan si Mori dahil ang lagi lamang dala nito ay gulo. Lalo na pag may babaeng nagiging malapit sa kanilang Empre. Lagi itong gumagawa ng paraan upang maalis sa landas ni Randall ang mga babae.

Blood Book 1 (Unedited) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon