KABANATA 14 - PROPESIYA

5.3K 219 3
                                    

Kabanata 14 - Propesiya

Busangot ang mukha ni Francine habang inaayusan sya ng mga kababaihan. Dinala sya ng mga ito sa isang silid na puro pampaganda at mga damit ng babae ang makikita. May malaking salamin sa harap nya habang nilalagyan sya ng mga ito ng palamuti sa mukha at buhok.

Kinakabahan din sya sa mangyayari. Hindi nya alam kung ano ba ang plano ni Randall at nais pa syang pakasalan nito kung may asawa na ito. Nais nya na tumakas pero ang lalakas ng babaeng nakapalibot sa kanya. Para bang mga bakal ang mga kamay.

Nagbalik sya sa sarili ng may humawak sa balikat nya.

"Tapos na kaming ayusan ang iyong mukha. Tumayo ka na binibini para maisuot mo itong kasuotan na sinusuot ng aming lahi kapag ikakasal." sabi ng babaeng tila pinakapinuno ng grupong babae. Tumayo sya dahil baka mainis ito sa kanya. Mga seryoso lamang ang mababakas sa mga mukha nito kaya kinakabahan din sya baka sapakin sya bigla ng mga ito pag hindi sya sumunod.

Pinasuot sya ng isang magandang kasuotang pang babae na pang kasal pero mahaba ang mga manggas at halos matakpan ang kamay nya. Kulay red ito na parang mga suot ng mga koreana na nakikita nya sa telebisyon. Para tuloy syang Gesha sa ayos nya. Mapula ang labi at ma-rosas ang makabilang pisngi nya. Habang ang buhok nya ay pinusod habang tinarintas ang dulo.
Nilagyan din sya ng kolorete sa buhok na mga pearl na tumatakip sa noo nya habang nakaikot iyon sa ulo nya.

"Handa na ba ang binibini?" biglang sabi ng isang lalaki na nagbabantay sa labas. "Magsisimula na ang seremonya." sabi pa nito.

"Handa na." sabi ng pinakapinunong babaeng Kesya.

Napalunok si Francine dahil bigla syang nanlamig. Napasiklop sya sa kanyang kamay ng manlamig iyon sa kaba. Gusto nyang batukan ang sarili dahil para syang nananabik na kinakabahan. Pinaalalahanan nya ang isip na wala lang iyon at isa lamang na kasal-kasalan ang magaganap. Parang laro lang. Kaya wag dapat syang umasa.

Habang sa lugar kung saan gaganapin ang seremonya ng kasal. Hindi mapigilan ni Randall na mabalisa. Kung sa kasal nila ni Danika ay bagot na bagot sya pero ngayon ay ibang-iba. Para syang kinakabahan at gustong hilain ng oras sa tagpong kasal na sila ni Francine.

"Randall, umatras ka sa plano mo. Hindi maganda sa propesiya sa lahi natin ang nais mo. Tiyak na magagalit ang ating mga kalahi na naiwan sa palasyo pag nalaman ang pagpapakasal mo sa isang Hikaros." pagpigil ng kanyang Ama.

"Kahit ano pang sabihin nyo hindi ko pagsisisihan ang plano ko. Pagbigyan nyo lang ako kahit dito. At pagkatapos nito ay titiyakin ko ang kasaganahan ng ating lahi." sabi ni Randall sa ama.

"Oras na pakasalan mo ang anak ng Hari ng Hikaros. Hindi mo na mapipigilan kung ano man ang maaaring mangyari. Tiyak na mamalasin ang ating lahi. Makukuha mo ang nais mo pero tiyak na hindi ka matatahimik sa gagawin mo." paalalanan sa kanya ng kanyang ama.

Hindi nya pinansin iyon dahil nakita nya ang pagpasok ni Francine. Napangiti sya sa ayos nito. Lalo syang nabibighani sa kagandahan nitong taglay. Kahit na busangot ang mukha nito ay hindi maaalis ang ganda nito.

Nakasuot sya ng puting formal na kasuotan at may pulang kapa sa likod bilang senyales ng pagiging hari nya. Nakabalot ng puting tela ang kanyang mga kamay. At may gintong korona na panghari din na nakapatong sa kanyang ulo.

Hindi tumitingin sa kanya si Francine bagkus sa sahig lamang nakapokus ang paningin nito. Nang makalapit ito ay naglahad sya ng kamay ngunit hindi nito iyon kinuha. Ngumiti sya at sapilitan nyang kinuha ang kamay nito na kinaangat ng tingin nito. Ngumiti sya pero sinamaan sya ng tingin nito.

Kahit ano pang ang gawin nito ay walang ibang makakapawi ng saya ng kanyang nararamdaman. Dahil sa oras na ikasal na sila ay isasama na nya ito pauwi sa kanyang palasyo.

Blood Book 1 (Unedited) ✓Where stories live. Discover now