Chapter 14

47.8K 1.2K 73
                                    

Date Uploaded : Nov. 13, 2014

AN: Mga falconians... may ino-organize na christmas party ang mga OP/ admins natin ON DEC 22, 2014... sali kayo! please pm Jhez hernandez for the details! :) NOW NA!

Chapter 14
Red


"A ganon a!! De-deadmahin mo na lang ako forever?! Anong problema mo? Ha?! Napupuno na ako sa 'yo! Nakakita ka lang ng mga babae sa labas ng FU nagkakaganyan ka na?! Ako.. Loyal ako!!! LOYAL! "


"Miss, pagpasensyahan nyo na yang kasama ko. May topak lang talaga yan." May topak talaga! Nasa salon kami ngayon at nagpapa-facial si Alex. Feeling nya kasi mag-isa lang sya dahil nakatakip ang mukha nya nya. Nakakatakot pala ito kapag ma-broken hearted. Kung sabagay, hindi ko naman sya masisisi. Ikaw ba naman ma-walkoutan Ng jowa at kahit habulin mo deadma ka pa din, baka nga masahol pa gawin ko kapag sa 'kin ginawa yon. Tinamaan naman kasi ng sobrang selos itong si Charles, kaya ayon, nag-aasal bata! Hindi na lang kasi ko prontahin, para makapag-usap ng matino.


At ito namang si Josh. Deadma din! Pero, hindi katulad ng kay Charles na, e sya, wala lang. Wa epek! Tinignan lang kami, nakipag-shake hands pa kay Idol. Wala man lang bang kahit katiting na selos? Suya naman! Kung sino ang hindi ponag-seselos, over maka-react. Yung gusto kong makakita ng selos, ala lang, deadma.


Hmmmm... Ano kaya talaga ang formula para mapansin ako ng alien na yon? Sabi ni Alex, magpakababae daw ako! Ano bang tingin nya sa kin? Lalake at kailangang magpatransplant?! Haaaay, ang sakit lang sa katawan ng ponag-gagagawa ng mga babaeng ito. Pakiramdam ko, binalatan ako ng buhay kanina nung pina-body scrub ang katawan ko. Ngayon naman, kung ano-ano ang ginagawa sa buhok, mukha, pati na rin sa mga daliri ko. Para naman akong inooperahan nito at ang daming nakapaligid sa akin. Kahit ayaw ko dahil ilang oras na akong naka-upo dito, hinahayaan ko na lang. Baka naman talagang gumanda ako dito at mapansin na ako ni Chinito.


"Matagal pa ba 'to? Natatae na ako!" Jowk lang, para lang makatayo maski papano.


"Manahimik ka dyan kung gusto mo pang lumabas dito ng humihinga!"


Aba talagang matapang na sya a! Sige, pag igyan at mainit ang ulo sa jowa. Mahirap na, baka sa halip na gumanda ako, e magkalasaglasag pa katawan at kaluluwa ko! Hmmmmp. Makatulog na nga lang.


Chloe


"I really think that we should have gone with them. Kung dati, Alex + Sky = double trouble. But now.. Alex + Red = 10x madness! " papunta kami ngayon ni Zia sa deck para panoorin ang sunset.


"You don't have to worry about those two, nandyan naman si Charles para bantayan si Alex. And when Alex is tamed down, wala ng ka-tag team si Red. And there's josh to occupy Red's mind."


"Oh,, haven't I told you?"


"Why? What's going on?"


"Kausap ko kasi si Dyllan kanina, and, well, Charles is not himself right now. Parang may tampuhan ata yung dalawa."


"Huh? Bakit? Parang noong isang araw lang kulang na lang pumagitna si Ninong Andrew sa dalawang yon. Sobrang sweet kasi. Bakit? Ano daw nangyari?"


"Parang may pinagselosan ata si Charles."


"Di ba ganon din yung inginungutngot ni Alex. Parang may pinagseselosan din nung nasa pool sila.I also overheard her saying kanina noong halos magdabog sa paghahanap ng damit, she siad something like,'kung sino-sino ine-entertain! Maduling ka sana!' And also something like, 'ipapain ko sa mga pating yang mga hipon na kausap mo!"

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon