Chapter 59

194K 3K 1.3K
                                    

Miyu let’s go ..”

There’s an angel in front of her .. beside two boys .. smiling at her .. inviting her ..

“Miyu ..”

Her voice is angelic .. her face and her smile .. she’s smiling like nothing is hard in this world.

 

But ..

 

“Miyu .. save your life! “

“Miyu go!”

 

 

“Sheez!” mabigat ang paghinga ni Miyu pagbangon dala ng masamang panaginip .. why does she need to save her life?

The image was not clear .. hindi nga nya maaninag ang mga nagsasalita sa panaginip nya .. basta inuutusan lang sya ng mga ito na lumayo ..

Tumayo na sya at sumilip sa katabi .. wala na si Yesha. Malamang magkakasama na silang lahat ..

Minabuti na nyang lumabas ng kwarto nia .. naglalakad sya pababa ng makita ang Kuya Iko at si Dara na nagtatalo pa sa mga kwarto nito.

“Wifey .. anong gusto mong flavor? Strawberry o lemon? Meron ding apple.” tanong ng magaling nyang kuya.

“Gusto ko banana. Meron ba?”

“Wala ih.” malanding sagot ni Iko. “Pero meron akong banana .. hihi” sabay tawa nito ng napakalandi.

“dyan ka sa baba dito ako sa kama ..” utos bigla ni Dara.

“Wah. Bakit naman ganon wifey? Ayaw mo ba ng mga flavor na pinadala ni Tatay?”

“Mamili ka .. matutulog ka sa lapag o dun ka sa labas?”

“Sabi ko nga wifey .. dito na ako sa baba eh ..” pero nakasimangot naman si Iko ..

Natatawa na lang tuloy si Miyu sa inaakto ng Kuya nya .. nakakatawa lang na yung babaeng sobrang kinaiinisan at lagi nyang kaaway noon ay ang babae din pala na makakasama nya ngayon ..

And look .. they are so sweet together ..

Bumaba na sya para lang makita ang isa pa nyang kuya na nakikipaglandian sa girlfriend nitong artista.

“Hello everyone!” bati sa kanila ni Miyu.

“Hi Miyu!”  bungad ni Araya na naka apron pa.

“Fudgee barr ketchup ka ba?” tanong ni Storm na nasa kabilang conuter lang naman.

Hindi sumagot si Araya kaya nagtawanan lang sila Yesha at Miyu.

“Bakit Kuya?” salo na lang ni Yesha.

“Kasi hinahanap hanap sya ng hotdog ko eh!”

Spg ang sagot ni Storm kaya naman nagsitawanan ang silang tatlo liban na lang kay Araya na poker face na hinarap si Storm.

“Alam mo Storm kug tumutulong ka kaya sa pagluluto dito at tigilan mo yang kalandian mo no?” asik sa kanya ni Araya,

“Yan ang gusto ko sa’yo Fudgee barr .. kahit kilig na kilig ka na  na ko-control mo pa din eh ..” mapang asar na sagot ni Storm habang  inaayos ang mga plate na hinugasan ni Araya.

At kitang kita naman sa magandang labi ni Araya ang matamis na ngiti nito sa tinuran ni Storm.

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon