Chapter 21

183K 2.8K 756
                                    

Napa kibit na lang  ng balikat si Araya ng marinig  yung mga plano ng mga kaibigan nya tungkol sa pagpunta nila ng probinsya .. excited na silang nagpa plano .. naku! Hindi lang nila alam .. mahirap ang buhay doon .. malayo ang sibilisasyon .. pero sa isiping yun .. napangiti din si Araya  .. let’s see kung kakayanin talaga nila ang buhay doon. Napatingin na lang si Araya sa kanila, ang sosyalin nyang pinsan at pinsan nitong si Venus at Venice, ang mga kambal na napakakikinis at puputi, parang di yata uso ang pawis  sa kanila, at ang  dalawang batang Aragon .. hmmm ..

“Ok ka lang Storm??” tanong ni Araya ng makita syang tahimik na umiinom ..

“Hi Raya!” kinawayan nya si Araya na parang anlayo layo  sa kanya.

“Lasing ka na ah ..” concern na sabi nito ..

“It’s your fault ..” agad na napangunot ang noo ni Araya sa sinabi ni Storm .. '

'baliw tong Storm na to .. isisi daw ba sakin ang pagkalasing nya? Bakit? Ako ba ang umiinom at napupunta sa kanya ang kalasingan?'

Inirapan na lang sya ni Araya .. bahala sya sa buhay nya .. kasalukuyang nasa terrace ng SC yung iba .. ewan ko anong ginagawa nila doon.

Sa gilid naman ng stage ay nakaupo si Iko na simula pa kanina ay sobrang tahimik na .. siguro nagkakailangan silang dalawa ni Dara dahil sa nangyari ..

“Gusto mo maging gerlpren ko Raya?” napatingin na naman si Araya kay Storm ..

“Ku Storm .. iinom inom ka di mo naman kaya ..”

“Anong gusto mong tawagan natin?” parang walang narinig na nagpatuloy si Storm sa pagsasalita.

“Sweety? Honeypie? Moo? Cheesecake?” sunod sunod na tanong nito.

“Sama mo na din kaya ang fudgee barr? Mukhang nagugutom ka kasi eh!” patol ni Araya kay Storm.

“Sige fudgee barr na lang .. hi Fudgee barr..” kaway ulit nito kay Araya.

“Ewan ko sayo Storm .. ano bang ginawa sayo ni Dara kanina? Mukhang naalog ata yung utak mo .. bobo ka na nga .. nabobo ka pa .”

“Alam mo Araya nakakarami ka na .. babanatan na kita .. makabobo ka ah .. sabi ng Mommy ko walang taong Bobo .. tanga lang ang meron ..”

“Well Storm .. ikaw ang living proof ng bobo .. maniwala ka sakin ..”

“Halikan kita dyan eh ..”

“Ewan.” Irap lang sa kanya ni Araya.

“Raya ..” kalabit ni Storm sa kanya ng lumingon sya sa kabilang direksyon para hindi ito makita at makausap ..  “Huy ..”

“Ano?” inis na baling sa kanya ni Araya ..

“Afghjkl-“ di mainitindihan na sabi ni Storm.

“Ha?” patanong na sabi ni Araya.

“Halimaw ka ..” saka tumawa pa ng malakas si Storm .. hala naaning na talaga.

“Ewan ko sayo!” tumayo si  Araya at lumapit kina Thunder na nasa Terrace. “Thunder yung kambal mo nalasing na ata .. kung ano anong pinagsasabi .. “

“Hayaan mo sya Araya .. naglalabas lang yan ng sama ng loob nabugbog kasi ni Dara ..” natatawang sabi lang ng kakambal nya .. hayaan daw .. sama ng loob? Ano yun? Ako ba kinasama ng loob nun?? Sa loob loob ni Araya.

Binalingan  ni Araya si Dara na busy lang sa pakikipagkwentuhan kina Venus.

“Dara anong bang ginawa mo kay Storm? Pati ata yung utak nun binugbog mo??” tanong ni Araya.

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon