Chapter 32

196K 2.7K 469
                                    

Napatingin  na lang si Iko sa papalayong si Dara .. pero gustuhin man nyang  wag sundin ito eh mas nangingibabaw pa din ang sinisigaw ng puso nyang sundan ito .. kay naman kahit sinabihan na sya ni Dara na wag itong sundan ay tinahak pa din nya ang daan papunta sa SC Room.

Matagal syang nag antay sa harap ng pinto at kahit na terror ang Prof nya sa isang major subject na dapat ay pinapasukan nya ngayon ay mas pinili pa din nyang bantayan si Dara sa loob ng SC ROOm .. dangan nga lang at hindi nya masilip ang loob nito dahil naka baba ang makapal na kurtina at nakasara ang pinto ..

Pero pagkatapos ng ilang minuto ay isa isa ng naglabasan ang mga Student Council Members .. hinanap agad ng paningin nya si Dara.

Lumipas ang limang minuto ay saka lang nya nakita si Dara na papalabas.

“Iko .. anong ginagawa mo dito?” nagtatakang tanong ni Dara.

Sa likod ni Dara ay si Elo na sa kanya nakatingin .. nilabanan naman ni Iko ang tingin ng kapatid ..

“I told you Dara ..  I can wait forever .. I can skip my classes everytime .. I can do everything .. for you.” Pero sa mga mata sya ng kapatid nakatingin.

Sa harap ng pintuan kung saan nagkakaharap harap sila ay dumagdag pa si Venice na nakatingin din sa kanila ..

“What a great scene .. two brothers between you ..” mataray na sabi ni Venice na nakatingin kay Dara.

“Venice .”

“Shut up ..” pagpapatigil ni Venice kay Dara. “Uulitin ko ang tanong ko .. masaya ba?”

“Shut up Venice ..” mas ma awtoridad na sabi ni Iko.. saka hinugot si Dara palayo kay Elo .. “Kung may relasyon man na nasisira dito .. hindi sa inyo yun ..  kundi samin .. kaya wag kayong umasta na sinisira namin ang relasyon nyo dahil ang totoo .. kayo ang sumisira sa relasyon naming dalawa.” makahulugang sabi ni Iko na hinugot si Dara palayo sa kanila ..

Natahimik sila Elo at Venice na kapwa nagkatinginan na lang sa papalayong si Iko at Dara .. si lo agad ang bumawi ng tingin at tiningnan si Venice .. si Venice naman ay malamig lang syang tiningnan .. at saka tumalikod na para iwanan sya.

“Wait .. Baby ..” habol ni Elo sa kanya .. pero tila walang narinig si Venice at dumiretso lang sa paglakad. “Baby naman!” nang maabutan ni Elo si Venice ay hinarap nya ito .. naka cross arms naman na tinignan sya ni Venice.

“What?” maarte pa din na sabi ni Venice.

“Baby namnan .. hindi bagay sa magtarya .. please naman ..”

“I don’t care. “ mataray pa din nitong sagot at tumalikod na. naiiling na lang si Elo na sinundan na lang si Venice ng tingin .. hindi nya alam kung ano ng gagawin .. tss ..

Hindi agad nanitindihan ni Dara  ang mga nangyayari  basta ang alam nya ngayon ay nagmimistulang tagpagtanggol nya si Iko  .. habang hawak hawak nito ang mga kamay nya at nilalayo sa mga taong nagpapsakit sa kanya ..

Huminto sila sa isang ilalam ng puno malapit sa Soccer Field ..

Hindi nya kayang tumingin kay Iko .. kaya minabuti nyang tumingin s malayo .. sa soccer field .. kinakabahan sya sa makikita nya .. paero kahit na nakahinto na sila sa paglayo ay hawak hawak pa din nito ng mahigpit ang mga kamay nya ..

Bahagya nyang binawi ang kamay nya kaya naman tuluyan na iyong nabitawan ni Iko ..

“Sabi ko naman kasi sayo lumayo ka na kay Elo .. hanggat lumalapit ka kay  Elo hindi titigil si Venice .. it is much better kung lalayo ka na lang .. at kung nag aalala kang wala ka ng bestfriend .. I just wanted to remind you .. nandito lang ako .. and I f you want, I can be more than your friend ..”

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon