Chapter 54

152K 2.6K 187
                                    

“Hi Baby Dara!” kaway ni JC sa kapataid.

“1 week absent si Mishel .. so why are you here?” tanong ni Dara sa kapatid ..

“Bebe Dara!” bati din ni JJ ..

Ano pa ba ang ini expect nyo? Syempre kapag  nandito si JJ kasama nya si JC .. nagdadalawang isip nga si Dara kung triplets ba talaga ng mga kuya nya or kambal lang?

“Anong problema nyo at nandito kayong dalawa?” tiningnan nya ang mga kuya nya na nakaupo sa harap ng desk nya ..

“Hmm wala naman .. namimiss lang namin ikaw ..” nangunot ang noo ni Dara ng makita ang mga nakausling nguso ng mga kapatid .. mga naka pout ito ..

“Yung totoo anong problema nyo ha?” nakataas ang kilay na tanong ni Dara sa dalawa ..

“Waaaaaaaaaah .” saka nagsi hikbian ang mga ito ..  “Gusto namin makita si Lovebug! Sabi nila Storm bumalik na daw si Lovebug eh!”

“Sinong LoveBug ang pinagsasabi nyo?” kunwari ay tanong ni Dara sa mga kapatid .. “Saka wala ba kayong mga practice ngayon?” tanong nya.

“Hehe .. sige na Dara ipakilala mo na samin si LoveBug! Magpapahula lang kami!” kulit ni JJ.

“Si LoveBug nagpapayo lang .. hindi manghuhula!” pagtatama ni Dara.

Sya namang katok ng kanyang bagong secretary.

“Ma’am .. nasa labas po sila Thhnder at Chinchin .. pero wala po silang appointment  sa inyo ..” sabi nito.

“Let them in.” sagot ni Dara ..

“Hmp. Mas maganda pa yung puso ko kesa sa bagong secretary nya.” Rinig nyang bulong ng kanyang kuya JC.

Walang kaalam alam ang mga ito na ang babaeng papasok ay ang LoveBug na hinahanap nila.

“Bessy! Ano ba di ka man lang nagpasabi na pupunta pala kayo!” bati ni Dara sa kaibigan.

“Eto kasing si Chinchin gustong mag ikot ikot dito sa Aragon Empire ..” nakangiti din sabi ni Thunder.

“Ikaw Bessy ha! Susyalin ka na .. ang ganda ng office mo!” puna ni Chinchin sa kabuuan ng office ni Dara. Sa pag ikot ng tingin nito ay nakita nya a ng dalawang lalaki na nakamasid lang din sa kanila .. agad nyang nginitian ito .. “Hi!” dagdag pa nya ..

Agad naman na napatunganga ang mga Kuya ni Dara ..

“Chinchin?” Ikaw si Chinchin?” tanong ni JJ.

“Ako nga po. Bakit po?” tanong nya sa mga ito.

“Wah. Ikaw  nga si Chinchin! Wow grabe number one fans mo kami!” lapit ng dalawa kay Chin.

“Hep hep .. OA nyo ah .. saka anong fans ka dyan?” bitaw ni Dara sa mga kapatid.

“Grabe ka naman Dara .. natutuwa lang anman kami na makita ng idol namin eh ..saka fans kase dalawa kami tapos pareho kaming number one!”

“Chin .. yan pala ang mga Kuya ko .. si Kuya JC at Kuya JJ ..”

“Hi .. nakakalito naman po kayo .. halos magkamukha lang kayo.”

“Mas pogi nga lang ako .” agad na pagtatama ni JJ.

“Hindi naman .. actually parehas kayong gwapo.”

Tila naman kinikilig na nagbulungan ang dalawa ..

“Hihi .. narinig mo yun .. pogi daw tayo ..” sabay hagikgik ng dalawa na parang mga teenager na babae na nakita ang crush.

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon