Chapter 31

175K 2.7K 466
                                    

“Venice ano ba yung ginawa mo? You’re barking on a wrong tree..” tanong ni Venus sa pinsan na kasama nya ngayon sa kwarto nito ..

Minabuti na nyang ihatid ang pinsan sa bahay nito .. saka nya kinausap ..

“Barking on a wrong tree? It’s too obvious Venus .. niloloko nila ako.”

“Ano ba kasi talagang nangyari?”

“Nakipag cool off si Elo sakin .. because of Dara ..”

“Sinabi nya ba na si Dara ang dahilan?”

Natahimik si Venice at napatinig na lang kay Venus.

“See? I told you .. your stepping into a conclusions .. ginagawa mo lang yan dahil gusto mong may tao kang masisisi sa mga nangyayari sayo ..”

“Of course not! Hindi ko sya sisisihin kung wala akong basehan .. hindi ganoon kakitid ang utak ko .. hindi ako katulad ng mga iniisip nyo ..”

Pinagmasdan din ni Venus ang pinsan na nahiga patalikod sa kanya .. aaminin nyang hindi sya maka relate sa mga ginagawa nito .. para sa kanya walang basehan at napa ka OA ang ginagawa ni Venice .. but she’s trying her best para maintindihan si Venice at para na din hindi ito ma down sa mga nangyayari dito ..

“Venice .. you should think twice .. try to open your mind on everything .. isipin mo yung nangyari at isipin mo yung mga taong masasaktan sa mga gagawin mo ..” pangungumbinsi ni Venus.

“Bakit Venus .. inisip ba nila yung mararamdaman ko nung ginawa nila sakin yun?”

Napabuntung hininga si Venus sa sinabi ng pinsan.

“It is much better siguro na umalis muna ako at iwanan ka .. think all about this .. basta if you need someone to talk to andito lang ako ..” nakita nya ang pagtango nito. “Aalis na ako .. gusto ko pa sanang hintayin  sila Tita Hellena ang kaso naghihintay si Clinton sa akin sa baba .. ibibilin na lang kita sa katulong nyo .. “ yun lang at tumayo na si Venus.

Kanina pa din text ng text si Elo sa kanya at tinatanong nga si Venice .. sinabi nya na lang na wag muna itong lumapit .. at hayaan na lang munang makapag isip si Venice .

Pagbaba nya ng sala nila Venice ay nagulat sya ng makita si Clinton at Elo ..

“Gabi na ah .. bukas mo na lang kausapin si Venice ..”

“Hindi ko kaya ..” nailing lang si Clinton sa sinabi ng pinsan nya.

“We need to go .. inaantay na ako nila Mommy eh . hayaan mo na lang si Venice ..” hinatak na ni Venus si Elo palabas ng bahay nila Venice.

Paglabas nila ay nakaparada ang kanilang mga sasakyan .. naunang pumasok sila Venus at Clinton ..

“Umuwi ka na din ..” bago sumakay ng sasakyan si Clinton ay sinabihan na niya ang pinsan.

Pero ayaw magpapigil ni Elo .. right after umalis ng sasakyan nila Venus ay umikot sya ng bahay nila Venice .. kabisado nya na ang bahay nito ..

Si Venice naman ay mag isa sa kwarto nya .. she’s not crying .. no .. she’s not childish .. hindi nya iiyakan ang mga nangyayri na to .. hindi  nya ipapakita na hindi sya isip bata katulad  ng mga sinasabi nila at inaakala .. kahit na ang pakiramdam nya ngyaon ay any moment sasabog na ang pakiramdamna nya .. no .. hinding hindi sya iiyak ..

Kinagat nya ang pang ibabang labi para pigilan ang luha na gustong tumulo sa mga mata nya ..

Elo is her first love and he promise that she is his last .. pero ngayon .. anong nangyari? Promisse are really meant to be broken .. siguro nga masyado pa silang mga bata at hindi pa nila naiintidihan kung ano talaga ang totoong rason ng pagmamahal ..

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon