Chapter 45

166K 2.8K 486
                                    

“Para kayong tanga.” di na napigilan ni Iko ang mag complain sa landian ni Storm at Araya ..

“Sus inggit ka lang eh .. landiin mo din si Dara ..” sabi nito ..

Paano .. nag aantay kasi sila sa iba na dumating para sa meeting nila  .. kasalukuyan naman na tatlo lang sila sa loob ng conference room ng Aragon Empire.

At parang tanga lang naman sila Strom at Araya .. uusog si Araya para makalayo kay Storm pero susundan din sya ni Storm .. hanggang sa hindi na mabilang ni Iko kung ilang beses na nilang naikot ang buong lamesa.

“Hi!”

“God! Buti naman Wifey! Dumating ka na .. mababaliw na ako sa dalawa na ‘to.” Tiningnan ni Dara ang dalawang naghahabulan gamit ang upuan..

“Yung totoo pang ilang ikot na nila yan?” tanong ni Dara sa Boyfriend.

“12th? 13th?” di na siguradong sagot ni Iko kay Dara.

Natatawa na lang tuloy si Dara ng mapadaan sa mismong kinauupuan nya ang dalawa ..

“Storm wag mo sabihing hanggang ngayon may hang over ka pa din?” tanong ni Dara.

“Wala na .. pero lasing pa din ako ..” nangunot ang noo ni Dara sa sagot ni Storm.

“Bakit uminom ka na naman?”

“Lasing ako sa pagmamahal ni Araya!” masiglang sabi nito ..

“Di ka ba napapgod?” tanong ni Araya.

“Hindi Fudgee barr .. kaya wag ka ng lumayo .. “

“Ako napapagod na ako ..”

“Kaya sasagutin mo na ako?”

Nakapoker face na tumingin sa kanya si Araya ..

“Hindi.” Nanahimik na lang si Araya sa gilid katabi si Storm na minamanyak ang balikat nya ..

Natatawa na lang naman sila Dara at Iko sa dalawa ..

“Parang si Araya si Manager Jung at si Storm naman si JR ..” naiiling na sabi ni Iko ..

“I agree .. baka naman wala talagang gusto si Manager Jung kay Kuya JR?”

“Wifey .. nakikita mo ba yang dalawa na yan .. ganyan lang din sila. Pakipot yung isa, tanga tanga naman yung isa pa ..”

“Makatanga ka naman sa kapatid ko!” sabay batok ni Dara kay Iko.

“Wifey . tanggapin mo na .. mas pogi talaga ako kesa sa kapatid mo ..”

“Grabe naman Iko .. anong connect nun sa katangahan ng kapatid ko at kagwapuhan mo?”

“Mwah ..” halik ni Iko ..  “Yung pagamamahal ko ..”

“Aysus nagmamadali pa naman kaming lahat kasi akala namin naiinip na kayo .. “ entrada ni Venus kasama sila Venice at Chelsea, pati yung maga jowa nila.

“At kelan pa naging park ang conference room?” tanong naman ni Venice.

“Ok. Tama na ang usapan .. let’s start the meeting ..” bilang feeling-CEO, si Iko na ang tumayo at nag start ng meeting nila.

“Teka wala pa si Thunder!” awat ni Elo.

“O nakatingin na naman kayo sakin!” depensa agad ni Storm ..

“Bakit masamang tumingin?” pamababara niAraya sa kanya.

“Syempre naman Fudgee barr .. free para sa yo .. gusto mo tingnan din kita para naman may pagtingin na tayo sa isa’t isa!” banat pa ni Storm ..

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon