Chapter 12

1.1K 17 9
                                    

This chapter is dedicated to babychumm! Hello, friend! Hahahaha. Good luck with your KathNiel story! Oh and guys, read her story entitled "The Necklace." :)

Btw, I decided to split Chapter 11 into 3. I have loads of plans for this chapter but I can't just put them altogether in one update so yeah. Enjoy! 

_______________________________________________________

- C H A P T E R 12 -

{ Seth's POV }

"HI GUYS!"

Paglingon namin, nakita namin na magkasama sina DJ at Bea. Oo, si Bea, ang nag-iisang echoserang froglet sa mundo. Bakla na kung bakla pero nauumay na talaga ako sa kanya.

Matagal na akong nagtitimpi sa babaeng 'yan. 

F  L  A  S  H  B  A  C  K

Papunta kami ngayon nila Kats at Lester sa bahay ni DJ at JC. Wala lang, tatambay lang gaya ng ginagawa namin lagi. Matagal na rin kasi kaming hindi nakakapunta sa kanila dahil tinamaan kami ng katamaran at kung anu-ano pa.

Pagdating namin, pumasok kaagad kami sa loob. Hindi na uso ang doorbell o pagkatok dahil suki na kami dito. Parang nanay na nga rin namin si Tita Karla, mommy ni DJ.

Gulat kaming lahat sa nakita namin noong pumasok kami. Isang babaeng medyo chubby at maputi. Nagtatawanan sila ni DJ. Weird. Hindi naman kasi si DJ maki-chix kahit bad boy ang look niya. Mapagtripan nga...

"OY, BRO! Sino 'yan? Chix mo 'noh?" ako.

"Gawain mo na pala 'yan dre?" Kats.

"Bad boy." Les.

At nagtawanan kaming tatlo. Buti nakasakay agad sila sa trip namin.

Bakas sa mukha ni DJ ang gulat pero natauhan agad siya.

"Uy mga breggs! Chix? Di noh! Di ko 'yan gawain. Si Bea 'to, best friend ko. Di niyo lang siya kilala kasi kakabalik lang niya galing sa Cebu."

Napansin kong biglang lumungkot yung Bea na 'yon nung sinabi ni DJ na best friends lang sila. Okay, I smell something fishy...

"Oh, I see then. Hi Bea! Sayang. Akala ko pa naman nagbago na si DJ. Akala ko... Akala ko nagpakalalaki na siya para sa'yo... Pero akala ko lang pala." sabi ko sabay punas luha kuno.

"Akala ko rin.... na magbabago na siya." Les.

"Ngunit, subalit, datapwat, kami'y bigo." Kats.

At nag-iyakan na kami. Yung fake lang siyempre.

"WHAT?! DJ?! YOU'RE..... YOU'RE..... WHY DIDN'T YOU TELL ME?!" sabi nung Bea with matching luha effect pa at bigla nalang nag walk-out.

"Ano ba naman kayo mga bro! Sensitive yun! Dapat di niyo yun sinabi. Teka lang, sundan ko lang. Hirap pa naman yun suyuin. Hay." sabi ni DJ at umalis na bigla.

"Hmm. Ang OA lang?" sabi ni Kats.

"Kaya nga. Tapos ispokening dollars pa." Les.

"Pwede kumalma siya? Di uso sa kanya yung joke. Si DJ naman, parang hindi sanay sa ating mga loko-loko. Sumasabay pa nga siya eh. Nakakainis." ako.

"Ganyan lang talaga 'yan si Bea. Napaka-OA. Minsan nga naiinis na ako diyan. Obvious namang may gusto siya kay kuya pero si kuya? Wala ata. At hindi niya yun alam kasi hindi niya napapansin kasi nga manhid siya." sabi ni...

Probably KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon