Chapter 3

1.8K 37 9
                                    

This chapter is dedicated to agentyellow18 :) Hi Louise!! Thank youuu so much for the support and all!! <33333 Guys, read her KathNiel FF :)

Grabe, thank you talaga sa mga patuloy na bumabasa ng EHFAR! <3

_______________________________________________________

- C H A P T E R 3 -

{ Daniel's POV }

Nandito ako ngayon sa mall. Alam na, mamimili ng school supplies. Palapit na ang pasok kaya't naisipan kong mambili na. Hay, di pa rin nag sisink in sa akin na sa ibang school na ako mag-aaral.

Ano kayang mga kababalaghan ang mangyayari dun? /sigh

Andito ako ngayon sa National Book Store, naglilibot. Nakakatamad naman kung mag-isa ka lang. Oo, I'm alone. Forever alone ako ngayon. Paano? Eh ang magagaling kong kaibigan, tinatamad. Good time muna sila. Sa tingin ko mga tulog pa yun. Di ko naman pwedeng pasamahin yung dalawang bruhilda ng buhay ko. Biro lang. Mga younger sisters ko. Si JC naman, busy sa panliligaw. Di na nga yun nagkukwento sa akin. 

Ayoko na.

At dagdag pa yung babaeng yun. Ewan ko ba pero bigla bigla nalang siyang pumapasok sa isip ko. Ang sakit sa bangs. Biro lang, wala akong bangs. 

*after 30 minutes of roaming around NBS*

Sa wakas at natapos na rin ako! Gutom na ako. 

Palabas na ako ng NBS nung may nakakuha ng attention ko. Isang babaeng medyo matangkad, mahaba ang buhok, straight pa ito ha tapos morena. You don't say.......

Pero baka nag mamalik-mata lang ako. Hindi ko pa nga nakikita yung mukha niya eh. But fine, for once, I'll take the risk. Wish me luck.

Hindi na ako nag dalawang isip pa. Naglakad na ako papunta sa direksyon ng babaeng yun. Kaya ko 'to. Kinakabahan ako. 

"Hmm, miss?"

Slow motion ang peg ng paglingon niya..........

"Yes, fafa?" shfsnnaskgnasknksanba. BAKLA! ANAK NG PUCHA. I shouldn't have taken the risk. Takte, ang landot naman. Nagwink pa sabay kagat labi. 

"A-ah... Wala. Sorry...." ako.

"Asus. Si papables nahihiya pa. Alam kong maganda ako, di mo na kailangan ipamukha. Hihihi. Ang cute mo naman. Masyado ka atang nabighani sa akin." she... he pala... winked again. At parang winave-wave ekek pa niya buhok niya. Ewan ko kung ano tawag dun basta yun na yun.

Wala na talaga akong masabi. Grabe. Ano ba itong pinasok ko?!! 

Basta. Hindi ako tatakbo. Hinding hindi ako tatakbo. Dapat pa-cool lang ako.

Stay cool, DJ. Act cool, DJ. Keep your calm, DJ...

SUGOD NAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!

Bigla nalang akong tumakbo. Lahat ng tao nakatingin sa akin.

Anak ng kabayong mukhang baklang. Kabayo ata itong baklang ito. Hinabol pa naman ako at sabay sigaw...

"Wait, fafa! Diba hinihingi mo number ko?!! 09156758493! Call me, maybe? Mwah! See you! I love you so much babe!" WTF!!!11!!!

Pinagtatawanan ako ng mga tao dito sa mall. Bawas pogi points.

Ang sarap magmura. Pero no, mabait ako eh. ^____________________^

WALA. WALANG MABAIT NGAYON.

ANAK NG PUCHA PARE. TRAGIS.

Nakakadagdag pa sa BV yung mga bulong ng mga tao na dinig naman.

Probably KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon